PhilHealth, ipapatupad na ang libreng screening at check-up sa Oktubre
- Inanunsyo na ng PhilHealth ang kanilang bagong programa na ‘expanded care primary benefits’
- Dahil dito, ang mga PhilHealth members ay pwede nang magpa-check-up ng libre
- Kasabay na rin nito ang bago nilang panukala na ‘primary adjustment’
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Sa darating na Oktubre ay ipapatupad na ng PhilHealth ang ‘premium adjustment’ para sa mga empleyado at formal sectors. Dagdag na rin dito ang bago nilang programa na ‘expanded care primary benefits’ kung saan magiging libre na ang screening at check-up ng mga miyembro nito.
Nalaman ng KAMI na ang ‘premium adjustment’ ay gagawing 6 months na kaysa 3 months lang ang paghulog sa PhilHealth bago makuha ang mga benepisyo.
Ayon naman kay PhilHealth Spokesperson Shirley Domingo, “Hindi naman maganda para sa funding natin na kung kailan lang kayo mag-a-avail ng in-patient hospital benefits, eh diyan lang kayo magbabayad.”
Para naman sa ‘expanded care primary benefits’, halos 30 million na PhilHealth members ang makikinabang dito. Ilan sa mga kasamang benefits dito ay ang libreng medical screening at check-up para sa member o sa dependent nito. Dagdag pa rito ang ilalaang P800 para sa bawat pamilya kada taon para sa medical screening at maintenance na gamot para sa diabetes at hypertension.
PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!
Kahit ang mga senior citizens ay makakatanggap rin ng mga benefits na ito. Sila raw ay maaaring magpagamot ng libre sa lahat ng pampublikong ospital kahit wala pang naiihulog sa PhilHealth base sa report ng ABS-CBN News.
Subalit, hindi naman kasama ang mga PWD dito o ang persons with disabilities dahil pinag-uusapan pa rin sa Kamara ang pagsulong na isama ang mga PWD sa mga beneficiaries ng National Health Insurance Program.
Ilalabas na rin ng PhilHealth ang listahan ng kanilang mga partner health care facilities, ospital, diagnostic centers at drug stores kung saan makukuha ng mga beneficiaries at members ang mga nasabingbenefits.
Sa nakaraang post ng KAMI ay kinumpirma na rin ng Department of Labor and Employment ang dagdag P20 sa minimum wage ng mga taga-National Capital Region (NCR).
Ang chili pepper prank ay handa na! Maaaring makatulong ang chili peppers sa isang tao na maging isang milyonaryo? Ang aming host ay sigurado na maaari nila! At ibabahagi niya ang kanyang lihim sa tagumpay sa chili pepper prank video na ito! – on KAMI HumanMeter Youtube Channel!
Source: KAMI.com.gh