Transgender sister ni Nathalie Hart, naglabas ng saloobin tungkol sa relasyon nilang mag-ate

Transgender sister ni Nathalie Hart, naglabas ng saloobin tungkol sa relasyon nilang mag-ate

- Naglabas ng kinikimkim ang nakababatang kapatid ni Nathalie Hart tungkol sa kaniyang ate

- Sinabi nito na hindi tanggap ng aktres ang desisyon niyang maging isang transgender woman

- Ngunit sinusuportahan pa rin naman daw siya ng kaniyang ate sa mga rampa niya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Matapang na inamin ng transgender na kapatid ni Nathalie Hart ang tunay na estado ng kanilang relasyon bilang mag-ate.

Nalaman ng KAMI na hindi pala tanggap ng aktres ang desisyon ng kaniyang nakababatang kapatid na si Bella Pedere Snell na maging isang transgender.

Ito’y ibinunyag mismo ng 23-anyos na si Bella kasabay ng pagsabing hindi maayos ang kanilang pakikitungo sa isa’t-isa.

Bagama’t pareho sila ng mga magulang, isiniwalat niya na relasyong “hi” at “hello” lamang daw sila sa isa’t-isa.

"Unfortunately, no po," pahayag ni Bella nang tanungin kung okay ba para sa kaniyang kapatid na si Nathalie ang kaniyang naging desisyon.

"We have different personality and we don’t get along well. Same parents kami pero we say hi and hello,” paliwanag pa niya.

Gayunpaman, masayang ibinalita ni Bella na sinusuportahan naman daw siya ng kaniyang ate lalo na kapag may mga sasalihan itong contests.

Sa katunayan nga raw, pumayag si Nathalie na isuot ng kaniyang kapatid ang isang mahalagang gown na ginamit nito noon.

"Me and Princess (tunay na pangalan ni Nathalie) are not really close but, basically, she supports me in everything… in my pageant,” pahayag ng beauty queen.

"I’m wearing her gown that she actually wore in the red carpet of her movie Siphayo," giit pa niya.

Hanggang ngayon ay umaasa pa rin daw si Bella na balang-araw ay matatanggap siya ng kaniyang kapatid.

Marahil raw ay nabigla lamang ito sa naging paglantad ni Bella kaya’t hindi naging maganda ang kaniyang naging impresyon.

"I don’t know... siguro she’s just shocked. I’m happy naman, pero I hope for the acceptance,” pagbubunyag niya.

Sa ngayon, naghahanda na ang transgender woman dahil isa siya sa mga finalists na sasabak sa kauna-unahang Miss Transgender Global Australia na gaganapin sa Sydney ngayong October 1.

Sa nakaraang ulat ng KAMI, ipinasilip ang ilang viral na larawan ng fiancé at daddy ng ipinagbubuntis ni Nathalie.

Si Nathalie, o Princess Tinkerbell Cristina Marjorie Pedere Snell sa totoong buhay, ay isinilang noong April 14, 1992. Isa siya sa mga naging finalists sa ika-limang season ng StarStruck at ngayon ay bumida sa pelikulang “Abay Babes.”

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Imagine that you’re walking down streets of the Philippines, thinking of your work, friends, and family. Suddenly a man walking in front of you drops his wallet. He continues walking, without realizing that he has just lost all his money. What would you do in this situation? Social Experiment: How Honest Are People Around You? – on HumanMeter!

Source: Kami.com.ph

Related news
Yan ang tunay na beauty queen! Miss Vietnam's homecoming video goes viral

Yan ang tunay na beauty queen! Miss Vietnam's homecoming video goes viral

Yan ang tunay na beauty queen! Miss Vietnam's homecoming video goes viral
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel