Matandang driver, nagbigay pa ng baon sa estudyanteng walang pamasahe
- Nag-viral ang post ng isang estudyante na binigyan ng lolo na jeepney driver ng pera
- Binalak sana ng estudyante na di talaga magbayad ngunit naawa sa matanda at inamin na wala siyang pambayad
- Laking gulat ng estudyante nang inabutan siya ng driver ng 40PHP at kung hindi ay itatapon na lamang daw niya ito sa labas ng jeep
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Agaw atensyon ngayon ang post ng estudyanteng si Joseph Mejia tungkol sa nakakaantig niyang karanasan sa jeep.
Nang minsan kasing makalimutan niya ang kanyang USB sa kanilang bahay, naisipan na niyang mag-jeep upang mapabilis ang kanyang pag-uwi.
Ngunit, nasa jeep na siya nang naisip niyang wala pala sa kanya ang kanyang wallet. Dahil sa nagmamadali na si Joseph, binalak niyang di na lang talaga magbayad oa mag-"123" na lamang sa jeep.
Nagbago ang isip niya nang mapansing matanda na ang driver. Inamin na lamang daw ni Joseph na wala siyang pamasahe dahil di niya nadala ang kanyang wallet.
PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!
Maya maya pa raw ay bigla na lamang inabot sa kanya ng driver ang 40PHP. Laking gulat talaga ni Joseph dahil di na nga siya nagbayad, ganoon pa ang reaksyon ng matanda.
Sinubukang tumanggi ng estudyante ngunit nagmatigas ang matanda na tangapin ito ng binatilyo. Kung di raw kasi ito tatanggapin, itatapon na lamang niya ito, at seryoso talaga ang mukha ng matandang tsuper habang sinasabi niya iyon.
Hiyang hiya man daw si Joseph ngunit kinuha rin niya ang 40PHP na bigay ng matanda.
Samantala, labis na namangha ang mga netizens na nakabasa ng post. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:
"Saludo po ako sayo lolo, God bless you po!"
"Ay grabe lolo, pinahanga nyo ako ng sobra! napakabuti ng puso niyo!"
"Sana dumami pa ang kagaya niyo tay!"
"So kung di pala matanda ang driver mag-1-2-3 ka? Saludo kay lolo, maging aral sana yan sa binatilyo!"
" Swerte naman ng mga anak at aop ni Lolo, masipag na mabuti pa ang puso!"
Sino ang Neil Armstrong? Ang mga tanong na ito ay maaaring madaling tunog, ngunit sa katotohanan, ang mga ito ay medyo nakakalito at madaling gumawa ng isang pagkakamali!
Sagot ng mga Pilipino Nakakatawang Nakagod na mga Tanong Tagalog: Sino si Neil Armstrong? on KAMI Youtube channel.
Source: KAMI.com.gh