Inalala: 5 Youth Leaders na nagbuwis ng kanilang buhay sa panahon ng Martial Law

Inalala: 5 Youth Leaders na nagbuwis ng kanilang buhay sa panahon ng Martial Law

Ginugunita ngayon ang ika-46 na taon ng deklarasyon ng Martial law sa rehimeng Marcos. Isa sa masasabing makasaysayang kaganapan ngayon ay ang pagsasanib pwersa ng Ateneo de Manila University at De La Salle University na maglabas ng pareho pahayag patungkol sa pag-alala sa mga nakipaglaban noon upang makamit ang demokrasya at kalayaan ng bansa.

Gaya ng mga kabataang nagsisipag-aaral sa parehong prestihiyosong unibersidad ng bansa, alalahanin din sana natin ang mga kabataan noon sa panahon ng Martial law na binuwis talaga ang kanilang buhay sa pagmamahal sa bansa at sa ngalan ng kalayaan nito.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Narito ang 5 youth leaders na pinanindigan ang huling linya ng pambansang awit ng ating bansa.

1. Liliosa Hilao

Sa edad na 23, si Lili ang kauna-unahang female activist na namatay sa pagkakadetina sa panahong ng Martial Law.

Si Lili ay isang manunulat sa dyaryo ng kanilang paaralan at ang ilan sa kanyang mga nailathala ay patungkol sa pagkauhan sa kalayaan ng bansa.

Isang araw, dinampot mismo si Lili sa kanilang tahanan ng mga sundalo. Pinalabas na nagpakamatay si Lili ngunit walang nakitang anumang ebidensya na uminom ito ng muriatic acid.

Inalala: 5 mga Youth Leaders na nagbuwis ng kanilang buhay sa panahon ng Martial Law
source: Rappler
Source: Depositphotos

2. Archimedes Trajano

Dahil lamang daw sa tanong ng noo'y 21 taong gulang na si Archimedes sa anak ng dating pangulong Marcos na si Aimee Marcos, tila ito ang naging mitsa ng kanyang buhay.

Si Archimedes na noon ay nag-aaral sa Mapua Institute of Technology, ay dinampot daw ng mga bodyguard ni Imee Marcos at tinorture ng tinatayang nasa 12 hanggang 36 na oras.

Natagpuan na lamang ang kanyang bangkay sa isang kalye sa Manila noong Setyembre 2, 1977.

Inalala: 5 mga Youth Leaders na nagbuwis ng kanilang buhay sa panahon ng Martial Law
source: Rappler
Source: Depositphotos

3. Edgar Joson

Nang magtapos siya ng civil engineering sa Ateneo de Manila University, naging lalong aktibo na si Edjop sa Communist Party of the Philippines.

Kumuha siya ng kursong law sa Unibersidad ng Pilipinas ngunit di rin niya ito natapos dahil sa mas pinili niyang tanggapin ang katungkulan bilan isa sa mga lider ng ng CPP.

Taong 1979 nang siya ay maaresto at pahirapan. Nakatakas man ng 10 araw si Edjop ngunit nadakip pa rin siya at tuluyan siyang pinatay dahil sa di pagpapakita ng kooperasyon sa interogasyon.

Inalala: 5 mga Youth Leaders na nagbuwis ng kanilang buhay sa panahon ng Martial Law
source: Rappler
Source: Depositphotos

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

4. Juan Escandor

Si Juan Escandor ay nagsilbi bilang doktor ng New People's Army partikular sa Cagayan Valley.

Taong 1983 nang mapatay si Escandor sa isang engkwentro sa Quezon City. Sa kabila ng paniniwalang mga putok ng baril ang nakapatay kay Juan, nakita rin ang ebidensya ng pag-toture sa kanya.

Inalala: 5 mga Youth Leaders na nagbuwis ng kanilang buhay sa panahon ng Martial Law
source: Rappler
Source: Depositphotos

5. Emmanuel Lacaba

Kilala noon si Emmanuel bulang isang manunulat. Katunyan, siya ang sumulat ng theme song ng pelikula noon ni Lino Brocka na "Tinimbang ka ngunit kulang".

Iskolar ng Ateneo de Manila University si Eman at kumukuha siya noon ng AB Humanities. Kalaunan ay nagturo naman siya sa UNibersidad ng Pilipinas.

Ang tuluyang pagsanib niya sa New People's Army ang naging mitsa ng kanyang buhay. Napatay siya ng mga sundalo sa edad ng 27. Ilang taon matapos ang kanyang pagkamatay, nailathala angkoleksyon ng kanyang mga naisulat.

Inalala: 5 mga Youth Leaders na nagbuwis ng kanilang buhay sa panahon ng Martial Law
source: Rappler
Source: Depositphotos

Reactions of pranked people are priceless! our host will ask strangers to hold his plastic cup for a while. And then several passersby will put coins in it… Beggar With Twist Prank Tagalog | Pranks in Philippines 2018 | HumanMeter on KAMI Youtube channel.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica