Mabait daw talaga! Mga taong natulungan ni Coco Martin, nagpatotoo sa kabutihang loob nito

Mabait daw talaga! Mga taong natulungan ni Coco Martin, nagpatotoo sa kabutihang loob nito

- Pinatotohanan nina CJ Ramos, Whitney Tyson at Rhed Bustamante ang kabaitan ni Coco Martin

- Sila ang ilan lamang sa mga tinulungan ng aktor matapos silang malugmok sa kahirapan

- Malaki ang kanilang pasasalamat sa aktor sa ginawa nito para sa kanila

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Pinatotohanan ng mga taong natulungan ni Coco Martin ang kanyang kabaitan. Sa ulat ng Rated K, malaki ang pasasalamat ng ilan sa mga natulungan ni Coco at ilan nga sa kanila sina Mark Anthony Fernandez, Whitney Tyson, CJ Ramos At Rhed Bustamante.

Nagpasalamat si Mark Anthony sa role na ibinigay sa kanya. “Kontrabida role ko dun, alam mo yun malaking, markado siya, at saka (Ang) Probinsyano e.”

Ayon naman kay Whitney, kung ano man daw ang pagkain ni Coco ay ganun din ang pagkain nila. “Kung anong food niya, food din namin.”

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Ayon naman sa dating child star na si Rhed Bustamante, gumaganda na ang lagay nila nang tulungan siya ni Coco.

“Sobrang saya. Tapos lahat po parang maganda na ngayon. Umu-okay na po siya,” kwento niya.

Gayundin si CJ Ramos na masaya dahil nagbago na ang buhay nang matulungan siya matapos niyang lumabas sa pagkakakulong. “Pakiramdam ko napaka-swerte kong tao. Parang naligtas ako sa dati kong gawain,” sabi ni CJ.

Ayon naman kay Coco ay ginagawa lamang daw niya ito upang ibalik ang mga blessings na natatanggap niya.

“Nagbabalik tanaw ako. Wala namang taong nagbibigay sa akin ng pera. Ang binigay sa akin opportunity. Bakit hindi mo bigyan ng pangalawang opportunity para alam mo yun makatulong siya sa pamilya niya at magkaron siya ng sarili niyang direksyon sa buhay.”

Si Coco Martin ay unang nakilala dahil sa mahusay niyang pagganap sa mga indie films. Kinalaunan ay nagkaroon ng mga pelikula hanggang sa naging bida sa "FPJ's Ang Probinsiyano." Mas lalo siyang hinangaan ng marami dahil na rin sa ginawa niyang pagtulong sa mga nangangailangan.

POPULAR: Read more about Coco Martin Here

Filipinos Answer Funny Tricky Questions Tagalog: Who Is Neil Armstrong? | HumanMeter

Do you think you can answer them correctly? These individuals from the Philippines have their answers!

Click “Play” and find out the answers to these tricky questions from the Tagalog speakers

Source: Kami.com.ph

Related news
After rocking several costumes, Zia Dantes has once again wowed the netizens with her Christmas-themed outfit

After rocking several costumes, Zia Dantes has once again wowed the netizens with her Christmas-themed outfit

After rocking several costumes, Zia Dantes has once again wowed the netizens with her Christmas-themed outfit
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel