Senator Tito Sotto may gustong palitan na linya sa Philippine national anthem

Senator Tito Sotto may gustong palitan na linya sa Philippine national anthem

- Ayon pa sa balita, prinoposed daw ni Senate President Vicente Sotto III kahapon, September 18, 2018 na may gawing rebisyon sa lyrics ng Lupang Hinirang

- Sa kanyang interpelasyon sa mga debate sa plenaryo tungkol sa "proposed amendment" o ipinanukalang pagbabago sa Republic Act 8491, ay may linya siya na gustong baguhin

- Dahil ayon umano sa senador ay naglalarawan daw ito ng pagkatalo diumano

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Sa balita na una naming napag-alaman sa PhilStar Global ng The Philippine Star ay nagproposed o nagmungkahi umano si Senate President Vicente 'Tito' Sotto III na may baguhin na linya sa Philippine national anthem o pambansang awit.

Pinahayag daw ito ni Sen. Sotto sa interpelasyon sa mga debate sa plenaryo tungkol sa ipinanukalang pagbabago sa Republic Act 8491 o ang 'Flag and Heraldic Code of the Philippines.

Inilarawan ng senador na ang huling linya ng Lupang Hinirang na:

"Aming ligaya na pag may mang-aapi, ang mamatay ng dahil sa ‘yo"

ay isang paglalarawan daw na pagkatalo o "defeatist" diumano.

Gusto raw ni Senate President Sotto na ang linyang:

"ang mamatay ng dahil sa 'yo"

ay palitan ng linya na:

"ang ipaglaban ang kalayaan mo."

Ayon pa sa balita, si Senator Richard Gordon daw ay nag co-sponsored sa Senate Bill 102, na ang layunin ay diumano'y dagdagan ang sinag ng araw sa watawat ng Pilipinas na mula sa walo ay gawing siyam upang kumatawan umano sa mga Muslim leaders.

Ang RA 8491 ay sumasaklaw hindi lamang ang watawat ng Pilipinas kung hindi pati na rin ang National Anthem sa ikalawang banata, Section 36.

Hindi naman daw sumalungat si Gordon sa mungkahi ni Sotto na magrebisa sa pambansang awit.

Sumang-ayon umano si Senador Gordon na ang huling linya ay diumano'y "defeatist" o naglalarawan ng pagkatalo, at kailangan daw i-revised.

Alam naman ng tagasubaysubay ni Tito Sotto na isa rin siyang kompositor o composer.

Si Senator Vicente Sotto III ay kilala sa showbiz bilang si Tito Sotto.

Siya ang isa sa mga haligi ng hit, longtime running noontime variety show na Eat Bulaga.

Isa siya sa bumubuo ng TVJ, Tito, Vic, at Joey.

Nakakabatang kapatid niya si Bossing Vic Sotto.

POPULAR: Read more news about Senator Tito Sotto here

We added a new video with our fellow kababayans answering some tricky questions, and it sure is a whole lot of fun.

Will you be able to guess it?

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Jy Lin avatar

Jy Lin