Ayon sa NDRRMC, isang milyong tao na ang naaberya ni Bagyong Ompong

Ayon sa NDRRMC, isang milyong tao na ang naaberya ni Bagyong Ompong

- Lagpas isang milyon na ang naitalang napinsala ng hagupit ni Bagyong Ompong

- Ayon naman sa PNP ay 81 na ang naitalang namatay dahil sa bagyo

- Halos P46.9 milyon na ang naitulong ng gobyerno sa mga naapektuhan ng bagyo

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), umabot na ng 264,304 na pamilya o 1,096,799 na katao ang naapektuhan ng hagupit ni Bagyong Ompong.

Nalaman ng KAMI na 3,780 na mga barangay sa Cagayan Valley, Central Luzon, Cordillera Administrative Region (CAR), Ilocos Region, Mimaropa at Metro Manila ang nasalanta ng bagyo.

Base sa report ng Rappler ay 15,577 na pamilya naman o 61,271 na katao ang nananatili sa 471 na mga evacuation centers. Samantala, 21,587 na pamilya o 87,209 na tao naman ang wala sa evacuation centers.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

386 na lugar naman sa Central Luzon, Mimaropa at Ilocos Region ang naapektuhan ng baha. Pero 79 naman dito ang humupa na. 572 na tahanan naman ang mga nasira dahil sa hagupit ng bagyo.

Halos P14.3 billion naman ang pinsala sa ating agrikultura ngayon. Tila 171,932 na magsasaka naman ang naaberya sa loob lamang ng CAR.

Ayon sa Cordillera Regional DRRMC, halos 66 ang namatay at 66 ang nawawala na naitala noong Setyembre 18. Base naman sa report ng Philippine National Police (PNP) ay 81 ang namatay mula sa iba’t ibang rehiyon dahil sa bagyo .

Halos P46.9 million naman ang naitulong ng gobyerno sa mga napinsala ni Bagyong Ompong.

Sa tingin mo ba maaari mong sagutin ang mga ito nang tama? Ang mga indibidwal na mula sa Pilipinas ay may mga sagot! Kung ang isang Worm ay Namatay, Makakaapekto ba Ito Ay Matupok Ni Worm Masyadong? Ang tanong na ito ay maaaring madaling tunog, ngunit sa katotohanan, ang mga ito ay medyo nakakalito at madaling gumawa ng isang pagkakamali! — on KAMI HumanMeter Youtube channel!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Kurt Yap avatar

Kurt Yap (Editor)