Artista na vlogger! 6 Kapamilya stars na mga YouTubers din
Heto ang listahan ng mga kilalang artista sa Kapamilya hindi lang sa TV shows o movies na hihilera at nahihilig, kung hindi pinasok na rin nila ang mundo ng vlogging.
Nauuso na rin kasi ngayon ang vlogging, at marami ng mga artista na pumapasok sa ganitong plataporma at nangunguna ang kanilang mga channel sa YouTube.
At tila isang magandang trend ito ngayon dahil binibigyan tayo ng pagkakataon na makita at makilala ang ating mga paboritong artista in their most candid way.
Nagbigay ang GMA News Online ng listahan ng mga stars na pumasok sa ganitong gawain.
Dito sa KAMI, ibibigay namin ang 6 sa mga stars ng ABS-CBN na mga YouTubers na din.
1. Bianca Gonzalez
Isa si Bianca Gonzalez na matagal na lumikha ng kanyang YouTube channel para sa kanyang mga vlogging shows, kung saan iniinterview niya ang mga artista sa kahit anong bagay o mga topics na na-aangkop para sa kanyang susunod na segment o trending na usapin.
Ang Paano Ba' To?! ni Bianca ay more on sa pagbibigay ng mga life advice na karamihan sa kanyang mga guests ay mga kilalang personalidad gaya ng mga kaibigang artista.
Ayon sa YT about 'stats' section ng channel ni Bianca, sumali siya noong Jan 3, 2014, at mayroon na siyang 2,255,498 views at 55,120 subscribers since then.
2. Kris Aquino
Si Kris Aquino naman ay gumawa rin ng kanyang plataporma sa YouTube at pinangalanan niya ang kanyang channel na The Aquinos.
Sa YT channel naman ng Queen of All Media ay tinatackle niya ang maraming mga subjects gaya lang ng dating TV show niya sa Kapamilya gaya ng motherhoold, home hacks, travel, beauty, pagkain, pagluluto, recipe, at mga out of the box moments o candid events gaya na lang ng pa block screening nina Toni Gonzaga, Alex Gonzaga at Paul Soriano para sa pelikulang 'I Love You Hater.'
Sumali si Kris sa YouTube noong November 18, 2016, at mayroon na siyang 45,595,613 views at 294,607 subscribers simula noon.
3. Kim Chiu
Ang PBB winner naman na naging isa sa pinaka sought actress ng Kapamilya na si Kim Chiu ay mayroon ding iba't ibang klase na videos na pinapakita sa kanyang YouTube channel.
Ilan sa mga ito ay mga candid moments sa bahay niya gaya ng project decluttering, hacks, cooking videos, travel with KimXi, at ang faney moment niya kay Stephen Curry.
Sumali si Kim noong September 10, 2017, at nagkaroon na ng 2,270,081 views at 111,604 subscribers sa kanyang mga vlogs.
4. Bea Alonzo
Isa ang Kapamilya queen na si Bea Alonzo na pinasok na rin ang pag yo YouTube at tinawag niya ang kanyang channel na By Bea.
Mayroon na siyang mga 10 videos na na-upload na tungkol sa daily life niya, mga activities, trips, beauty tips at personal views din niya tungkol sa mga bagay bagay gaya sa taas na video.
Sumali si Bea noong June 4, 2018, at sa loob ng mahigit 3 months lang ay mayroon na siyang 1,264,477 views at 54,567 subscribers.
5. Yeng Constantino
Ang Pinoy Dream Academy winner na award-winning singer-songwriter na ngayon na si Yeng Constantino ay gumawa rin ng kanyang YouTube channel noong February 4, 2011, at ngayon, meron na itong 52,804,472 views at 504,626 subscribers.
Pinopost ni Yeng ang kahit ano-anong bagay, behind the scenes ng mga shows niya, trips, at pati na rin sa mga ginagawa niya sa bahay.
6. Alex Gonzaga
At ang huli pero definitely not the least, ang pinaka-palong-palo at panalong channel ngayon sa YouTube ng mga personalidad sa Pilipinas ay ang nakakabatang kapatid ng Ultimate Multimedia Superstar Toni Gonzaga na si Alex Gonzaga.
Naging instant internet sensation superstar si Alex dahil sa kanyang nakakaloka, nakakaaliw, at nakaka-laughtrip na mga YouTube vlogs niya.
Ani pa ni Alex sa interview niya kamakailan, na naging hit ang kanyang YT channel ay dahil na rin sa kanyang pamilya.
Ilang ulit na sinali ni Alex ang kanyang ate sissum na si Toni Gonzaga, at mommy Pinty, daddy Bonoy, at pati ang uncle nila na si Jojo, na naging instang internet celebrities na din.
Pati na rin si Direk Paul Soriano at ang mga Soriano family ay naging parte na rin ng kanyang vlogs kaya naman patok na patok.
Sinong hindi sumakit ang tiyan sa kakatawa sa Spicy Noodle Challenge?!
At mga words of wisdom ng kanyang ate sissum Toni Gonzaga.
Hindi naman talaga maikakaila na ang pamilyang Gonzaga at pati na rin ang mga Sorianos ay isa sa pinakakamahal ng mga netizens.
Salihan pa sa kakwelahan ng vlog supersta na si Alex Gonzaga, at aminin rin natin hindi din tayo nakakapigil sa kakagigilan ng napakacute na celebrity baby na si Seve.
July 18, 2017 pa lang sumali si Alex sa YouTube, at ngayon ay mayroon na siyang 97,702,809 views at 1,646,535 subscribers.
We added a new video with our fellow kababayans answering some tricky questions, and it sure is a whole lot of fun.
Will you be able to guess it?
Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel
Source: KAMI.com.gh