Simpleng sikat! 7 Filipino celebs na mga simpleng tao lang sa likod ng camera
Nakakalula isipin ang yaman na mayroon ang mga sikat na mga bituin sa industriya na ating iniidolo o hinahangaan.
Kung iisipin tila hindi na sila gumagawa ng mga normal na mga gawaing bahay o mga usual na ginagawa ng simpleng mga mamamayan pero magugulat ka na lang pag-malaman mo ang 7 sa marami pa ring mga sikat na Filipino celebrities na namumuhay pa rin ng simple.
Sila ang mga kilalang mga bituin na walang problema makihalobilo sa mga ordinaryong mga tao gaya ng kanilang mga tagahanga kahit gaano na sila kasikat at kayaman.
Naglista ang GMA News Online ng ilan sa kanila.
Ang KAMI naman ay sisilipin ang 7 sa kanila ngayon dito.
1. Manny Pacquiao
Kahit gaano na kayaman si Manny Pacquiao ay mas pinipili pa rin niya ang pagkain ng ordinaryong Pilipino at minsa nagkakamay pa siya.
Ika nga ng ibang mga netizens sa kanya:
"You are something else... You are sooooo different.. I am truly humbled by you"
"So humble... God bless u"
"Such a humble boxer Respect"
2. Wally Bayola
Gaya din kay Manny, hindi lumaki sa marangyang buhay si Eat Bulaga dabarkads Wally Bayola. Kaya naman isang normal na bagay lang magwalis sa kanilang bakuran.
Kahit naman sa Sugod Bahay segment nila kasama sina Jose Manalo at Paolo Ballesteros makikita mo naman na walang kaarte-arte ang tatlo.
3. Paul Soriano
Alam ng lahat na si Paul Soriano ay lumaki sa magandang buhay pero napaka-humble pa rin kagaya ng misis niyang si Toni Gonzaga na kahit Ultimate Multimedia Superstar na ay marami pa rin ang namamangha sa kababaang loob niya.
At para sa kanilang anak ni Toni Gonzaga na si Baby Seve ay gagawin nila ang lahat para lang maranasan nito ang isang simple pero masayang pamumuhay.
4. Willie Revillame
Hindi naman maikakaila na si Willie Revillame ay talagang may puso para sa masa at sa mga kapus palad nating mga kababayan.
Kahit gaano na kayaman na ang TV host ay walang arte syang nakikihalobilo at nagbibigay ng tulong sa masa.
5. Neri Naig
Kahit gaano na kayaman si Neri Naig ay walang kaarte-arte na nag-aalaga ng kanyang garden, nagtitinda, o pumunta sa wet market para bumili ng iluluto niya.
6. China Cojuangco
Kahit galing sa isa sa pinakamayamang pamilya sa Pilipinas at isang chef, aminado ang dating artista at nakakabatang kapatid ni Mikee Cojuangco na si China Cojuangco na ang kanyang paboritong merienda ay chicken balls at tokneneng.
At wala ding kaarte-arte na makihalobilo.
7. President Rodrigo Duterte
Isa na sa pinakahinahangaan na tao ng masang Pilipino ay si President Rodrigo Duterte dahil kahit isa na siyang pangulo ay simpleng tao pa rin siya.
On another note, we added a new video with our fellow kababayans answering some tricky questions, and it sure is a whole lot of fun.
Will you be able to guess it?
Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel
Source: KAMI.com.gh