10 Beteranong Pinoy celebs ngayon at ang mga hitsura nila noon

10 Beteranong Pinoy celebs ngayon at ang mga hitsura nila noon

Nakita na natin ang mga "noon at ngayon" o "then and now" pictures ng mga sikat na mga artista ngayon sa pinilakang tabing sa pag-uumpisa nila sa showbiz bago pa man sila hustong nakilala at sumikat noon.

Kaya ngayon, dito sa KAMI, mararapat lang din na bigyan natin ng pagkilala ang mga naunang mga bituin na nagbigay ng daan para sa mga ibang mga sikat na artista.

At kamakailan lang ay nagbahagi ang GMA News Online ng iilan sa mga beteranong bituin natin noon at ngayon.

1. Gloria Romero

Noon at ngayon, ang angking ganda ni Gloria Romero ay lutang na lutang.

At sa edad na 85 years old, mahigit na sa 60 years na sa showbiz ang batikan at beteranong aktres ay naging isang magandang halimbawa sa isang "rich and kind-hearted" na lola.

Makikita si Ms. Gloria Romero sa magical anthology ng Kapuso taga-linggo sa Daig Kayo ng Lola Ko bilang si Lola Goreng.

2. Eddie Garcia

Sa kanyang kabataan, isang lubusan ng maginoo at tikas, at kahit sa edad na 88 years old isa pa rin sya sa mga nirerespeto sa showbiz at sa katunayan sya ang naghold ng record bilang ang katangi-tanging aktor na lumabas sa pinakamaraming movie appearances.

3. Susan Roces

Ngayon, sa edad na 76 years old, looking regal pa rin ang 60s beauty icon na si Ms. Susan Roces.

4. Ramon Revilla Sr.

Sa edad na 91 years old ay dating isa sa pinaka sikat na action stars sa kanyang henerasyon.

5. Pilita Corrales

Sa edad na 78 years old ay super pretty pa rin ang Asia's Queen of Songs at feeling young at heart, at talagang carbon copy niya ang kanyang apo na si Janine Gutierrez, ang anak ng kanyang anak na lalaki na si Monching Gutierrez kay Lotlot de Leon.

6. Fernando Poe Jr.

Kahit pumanaw na ang "Da King" ng pinilakang tabing, hindi makakaila na si Fernando Poe Jr. ay isa sa mga tunay na haligi ng pelikulang Pilipino.

Sa katunayan ay ginawan na ng Kapamilya network ng isang primetime series na pinagbibidahan ni Coco Martin na FPJ's Ang Probinsyano.

7. Odette Khan

Isa sa pinakamagaling na kontrabida sa balat ng showbiz industry ay si Odette Khan, at naging aktibo sa industriya simula noong '70s.

Marami pa rin ang humahanga sa kagalingan ng aktres.

8. Eddie Gutierrez

Sa edad na 76 years old, ay isang mabuti at huwarang ama ang padre de pamilia sa kanyang prominenteng pamilya na mayroong sariling reality TV show.

Kung titingnan ay kamukhang kamukha niya ang kanyang anak na si Richar Gutierrez.

9. Carmen Soriano

Ang beteranong actress na si Carmen Soriano ay muling umugong ng bumida sa Kapuso afternoon primetime drama series na Ika-6 na Utos, The Half Sisters, at ngayon ay nasa My Special Tatay.

Isa sya sa mga Golden Divas na binubuo rin nila Pilita Corrales at Carmen Pateña.

10. Joseph Estrada

Karamihan ng mga millenials ngayon ay kilala si Josep 'Erap' Estrada bilang pulitiko at present mayor ng Manila.

Pero sya at si FPJ ang dalawa sa mga nangunugan sa actiong films sa kanilang henerasyon.

Bumuhos naman ng mga komento ang mga netizens sa mga litrato ng mga beteranong artista.

"Guapo at maganda walang mga salamat dok noon"
"Gloria Romero,Amalia Fuentes ,Susan Roces yan ang tunay na maganda walang retoke hndi tulad .g mga artista ngayon puro salamat doc."
"Bathaluman, Diwata at Paraluman,,yan si Miss. Gloria Romero...walang fake..."

On another note, we added a new video with our fellow kababayans answering some tricky questions, and it sure is a whole lot of fun.

Will you be able to guess it?

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Lalaking nawala sa sarili, hinihinalang dahil sa droga

Lalaking nawala sa sarili, hinihinalang dahil sa droga

Lalaking nawala sa sarili, hinihinalang dahil sa droga
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel