Monsour del Rosario, nag-react sa ex na si Agot Isidro being a Duterte critic
- Ang sikat na action star at gold medalist sa Sea Games sa taekwondo at Makati City First District Representative na si Monsour del Rosario ay nasa ilalim ng grupo ng PDP-Laban
- Ibig sabihin, nasa side siya ni Presidente Rodrigo Duterte, at speaking of which, napipisil umano si Monsour na isa sa magiging tumakbo pagka-senador sa naturang partido
- Lumabas din ang balita na baka tatakbo rin si Agot Isidro sa pagka-senador sa ilalim ng Liberal Party, kaya naitanong ng press sa kanya ang tungkol sa kanyang ex-girlfriend
PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!
Sa balita na unang lumabas sa PEP, napanayam nila ang isa sa pinakasikat na action stars sa henerasyon niya at dating gold medalist sa Sea Games sa sports na taekwondo at ngayon ay Makati City First District Representative, Monsour del Rosario.
Nangyari ang nasabing interview sa presscon ng pagbabalik niya sa pelikula na pinamagatang The Trigonal, kung saan kasama niya rito si Rhian Ramos, Epy Quizon, at marami pang iba.
Unang bungad sa interview na naispatan ng KAMI ay ang tanong sa posibilidad na pagtakbo niya sa senado sa ilalim ng PDP-Laban.
Dahil dito ay sumunod ng tanong ang press tungkol sa kanyang ex-girlfriend na si Agot Isidro na ani pa sa balita ay napipisil diumano na tumakbo pagka-senador sa ilalim ng Liberal Party.
Kung mangyayari ito, magiging magkatunggali siya at ang kanyang ex.
Saad ni Monsour:
“Okay lang. But knowing Agot, I don’t think she will accept because, as far as I know, she doesn’t want politics. As I know of her, twenty years ago."
Dagdag pa ng Congressman, wala na daw silang komunikasyon ng actress-singer dahil busy na rin daw sya ngayon.
Ngunit, nasa friends' list naman niya ito sa kanyang Facebook page, pati na rin raw ang mga kapatid ni Agot.
Dahil na rin nasa partido si Monsour ng presidente at si Agot ay sa kabila, kaya naitanong ng press ang tungkol sa pagiging kilala ng singer-actress sa pagiging kritiko ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ani ni Monsour del Rosario:
"Okay lang, hindi naman kami nagkakausap. Hindi kami nagkikita. Happy lang ako na nag-move on siya sa buhay niya after na mag-separate siya sa asawa niya."
Dugtong pa niya sa mga pahayag ni Agot tungkol sa presidente:
“Okay lang, personal opinion niya iyan and I respect that. For as long as you respect me, walang pilitan. I don’t force you, you don’t force me, we won’t fight."
We added a new video with our fellow kababayans answering some tricky questions, and it sure is a whole lot of fun.
Will you be able to guess it?
Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel
Source: KAMI.com.gh