Pinay OFW,matapang na ni-record ang pagsita sa kanya ng amo nang mahuli siyang nagse-cellphone

Pinay OFW,matapang na ni-record ang pagsita sa kanya ng amo nang mahuli siyang nagse-cellphone

- Viral ang argumento ng isang Pinay OFW at employer nito nang sitahin siya sa paggamit niya ng cellphone

- Makikita sa video na kinukunan ng OFW kung paano raw niya danasin ang 'verbal abuse' mula sa kanyang amo

- Nahati naman ang opinyon ng mga netizens na nagsasabing tama lang daw ang ginawa ng amo na pagsita sa OFW

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nag-viral ngayon ang video ng OFW na lakas loob na bini-video ang kanyang employer habang sinisita di umano siya nito sa paggamit ng cellphone sa oras ng trabaho.

Napag-alaman ng KAMI na kuha pa ang video sa CR at tila nahuli ng amo ang Pinay na may hawak na cellphone at di nagtatrabaho.

Di nagpatinag ang OFW na noo'y sinasabihan na ng kanyang amo na ibalik sa "bra" ang cellphone kung saan daw niya ito kinuha.

Sa halip na gawin ang sinasabi ng amo, tuloy pa sa pag-video ang OFW at sinabi pa nitong "verbal abuse" "verbal abuse" daw siya ng kanyang employer.

Halata na rin sa tono ng pananalita ng amo na naiinis na ito at sinabi na kaya naman din niya kinukunan ng video ang Pinay ay para maging pruweba nito sa immigration na wala naman daw ginagawa ang OFW.

Samantala, umani ng iba't ibang reaksyon ang naturang video. Ang ilan ay nagsasabing tama lang na sitahin ng employer ang OFW kung talaga namang di ito nakagagawa ng trabaho kakagamit ng lang ng cellphone.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Narito ang ilan pa sa kanilang mga komento:

"Both side got problem and i think being as a domestic helper u should do ur job first and still she is ur employer as long as she didn't hurt u just say sorry that's all.Nandyan ka to work."

"Daming nagjudge agad o... U have to annalyze the situation before saying stupid stuff that can degrade you. Ive been working with chinese employers for 13 yrs. They value time. Kaya why bring ur cp during work when you are being paid. May fault man ung amo pero mas evident ung ginawa ng pinay."

"If you are not satiafied with your helper you can terminate her... what you did is just makes you looks stupid.... yong bahay parang sqauter kaya ganun mag asta ang employer heheheDear Immigration pleaae stop giving helper to this kind of employeer.. very trouble..."

"Do you think.it is legal to record or filmed your helper while doing something?that is against the law...fyi madamme!"

Sino ang Neil Armstrong? Ang mga tanong na ito ay maaaring madaling tunog, ngunit sa katotohanan, ang mga ito ay medyo nakakalito at madaling gumawa ng isang pagkakamali!

Sagot ng mga Pilipino Nakakatawang Nakagod na mga Tanong Tagalog: Sino si Neil Armstrong? on KAMI Youtube channel.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica