"The nun" sumipot mismo at nakinood pa raw sa sinehan sa Makati

"The nun" sumipot mismo at nakinood pa raw sa sinehan sa Makati

- Viral ngayon ang pagdadamit "Valak" ng isang horror film enthusiast na si Prince De Guzman

- Ginaya niya ang bida sa tumatabo sa takilya ngayong horror film na "The nun"

- Halong takot, gulat at tuwa ang naramdaman ng mga nanood sa Powerplant mall nang makita ang ginawa ni Prince

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Talaga namang agaw eksena ang ginawa ng facebook user na si Prince De Guzman nang mag-anyong "Valak" siya sa mismong sinehan kung saan pinalalabas ang 'The nun'.

Kuhang kuha ni Prince ang itsura ni Valak na isang demonic nun sa pelikula kaya naman halo halo ang emosyon ng mga nakakita sa kanya.

Isang netizen dain kasi ang nagbahagi sa kanyang twitter kung saan nakunan niya ng video ang pag-akyat ni Prince bilang 'Valak' sa sinehan.

Ngunit, bago nito maabot ang mataas na palapag, natapilok ito na siyang ikinatawa ng mga tao.

Di lang siya rumampa sa sinehan. Umupo pa raw at nakinood pa si Prince ng pelikula na siyang pinagbibidahan ng kanyang ginagaya.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Ayon sa panayam kay Prince ng Coconuts, inimbitahan daw pala siya talaga ng Warner Brothers Philippines ngunit ideya niya pa rin ang mag-ala "Valak".

Hilig na pala talaga ni Prince ang mga horror movies. Nangongolekta pa nga raw siya ng mga laruang nakakatakot.

Siya rin mismo ang gumawa ng sarili niyang make-up at may mga video tutorials na siya kung paano ito gawin.

Di ito ang unang beses na nagtangkang manakot at mangsurpresa si Prince sa mga nmanonood.

Una siyang nagdamit bilang si Pennywise ng pelikulang IT.

Sino ang Neil Armstrong? Ang mga tanong na ito ay maaaring madaling tunog, ngunit sa katotohanan, ang mga ito ay medyo nakakalito at madaling gumawa ng isang pagkakamali!

Sagot ng mga Pilipino Nakakatawang Nakagod na mga Tanong Tagalog: Sino si Neil Armstrong? on KAMI Youtube channel.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica

Tags: