Ang yaman yaman naman nila! Inilista ng Forbes ang top 10 earners ng Pilipinas
- Sila daw ang totoong "Crazy Rich Asians," ayon sa Forbes dahil top 10 lang naman sila sa top earners ng Pilipinas
- Ibig sabihin mga yayamanin na kumikita hindi lang milyon milyon kung hindi bilyon bilyon
- Kilalanin natin ang top 10 earners ng bansa
PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!
Naispatan namin sa Fashion Pulis site ang Instagram post ng GMA News, kung saan ibinahagi nila ang Top 10 earners ng Pilipinas.
May mga pangalan na pamilyar na sa atin dahil nailista na rin sila sa listahang ito dati o kilala ang kanilang kompanya o negosyo, at ang isa naman ay dating Senador.
Sisilipin ng KAMI ngayon ang nasabing listahan at ibabahagi naman ngayon sa aming mga suki na mga readers.
From top 10 to top 1:
10. Andrew Tan - Real time net worth as of September 5, 2018 - $2.6B
Ayon pa sa Forbes website, ang 66 years old na Chinese Filipino billionaire ay ang nagpapatakbo sa Alliance Global Group Inc.
Ang huli ay isang holding company na may interests sa food at beverage, gaming, at real estate.
Si Tan ay anak ng isang factory worker na gumawa ng kanyang yaman sa pamamagitan ng pagdevelop ng malalaking apartment complexes sa buong Maynila.
Ang Alliance Global ay ang nagmamay-ari ng mga franchises ng McDonald's sa bansa at ang brandy company na Emperador.
9. George Ty - Real time net worth as of September 5, 2018 - $2.75 billion
Ang 85 years old na Filipino banker at business magnate ang nagmamay-ari ng GT Capital Holdings na may interests sa banking, auto, property development, power genration at insurance.
Sya ang founder ng Metrobank, 2nd largest bank sa bansa, na trinade nya publicly, at ngayon ay mayroong 945 brances sa buong Pilipinas.
May-ari din si Ty ng mga hotels under the Grand Hyatt at Marco Polo brands.
As of September 7, 2018, $2.7B.
8. Ramon Ang - Real time net worth as of September 5, 2018 - $2.85B
Ang 64 years old na avid collector ng mga kotse ang president at vice chairman ng isa sa pinakamatandang conglomerates ng bansa ang San Miguel.
Ngayon, ang huli ay ang nangunguna sa food at beverages pero ang malaki na revenue daw nito ay nanggagaling sa power at infrastructure businesses.
Nag-umpisa umano na mag-ayos at magbenta ng used Japanese cars at truck engines, at ngayon raw, ay nagbebenta na sya ng mga aluminum wheels.
May-ari din sya ng Eagle Cement Corporation at isang hotel at 100 acres ng prime real estate.
As of September 7, 2018, $2.9B.
7. Lucio Tan - Real time net worth as of September 5, 2018 - $3.8B
Ang 84 years old na founder at chairman ng $1.1 billion sales LT Group, na may interests sa tobacco, spirits, banking at property development.
Ipinundar nya ang Asia Brewery noong 1985, na isang subsidiary na ngayon ng LT Group, ang brewery na natatanging nagcompete sa leader ng brewer sa market ang San Miguel.
6. Tony Tan Caktiong - Real time net worth as of September 5, 2018 - $3.85B
Ang 65 years old na si Tony Tan Caktiong ay ang founder at chairman ng Jollibee Food, ang fastest-growing Asian restaurant chain sa mundo.
Ang food empire ay nag-umpisa bilang isang ice cream shop, at nakakita ng $2.2 billion sales noong 2016 at patuloy na lumalago at lumalaki mula sa Brunei hanggang Amerika.
Ngayon raw, ang kanyang Jollibee ay nagmamay-ari ng 85% ng burger chain sa Amerika ang Smashburger.
As of September 7, 2018, $3.7B.
5. Enrique Razon Jr. - Real time net worth as of September 5, 2018 - $3.9B
Ang 58-year-old na si Enrique Razon Jr. ay ang Chairman at CEO ng International Container Terminal Services (ICTSI), ang leading terminal operator na mayroong $1.1 billion sa kanilang sales.
Mayroon itong subsidiaries sa Eastern Europe, Africa, at the Americas.
Ang kanyang Bloomberry Resorts Co., ay finifeature ang crown jewel na the Solaire Casino and Resort sa Pilipinas.
4. Jaime Zobel de Ayala - Real time net worth as of September 5, 2018 - $4B
Kahit siguro hindi na ipaliwanag, apelyido pa lang ay makilala na natin sya, at matagal na rin nating naririnig ang kanyang pangalan.
Sya lang naman ang nagpapatakbo ng kanilang Ayala's Group until nagretiro sya noong 2006, at ang anak nyang lalaki na si Jaime II, ang pumalit sa kanya.
Ang 7 nyang anak ang namamahala sa 1/3 ng $3.9 billion revenue conglomerate.
Mayroon silang banking, real estate, hotels, telecommunications, at education.
Noong 2015, binili nila ang 33% ng Malaysia development construction company MCT, na nagdedevelop ng low at middle income housing.
At noong 2017 buwan ng Pebrero, ang kanilang conglomeraate ay binili ang 49% stake sa e-commerce marketplace ng Zalora, ang kauna-unahang pasok nila sa e-commerce.
3. John Gokongwei Jr. - Real time net worth as of September 5, 2018 - $4.4 B
Sa ngayon, September 7, 2018, ay tumabo sa $4.5B ang real time net worth ng Cebuano na negosyante.
Ang 92 years old na negosyante ay ang founder ng JG Summit na may interests sa air transportation, telecommunications, banking, food, power, at property.
Ang cornstarch plant na kanyang inumpisahan noong 1957 ay lumaki at naging Universal Robina Corporation, isa sa pinakamalakaing food at beverage companies sa bansa.
2. Manuel Villar - Real time net worth as of September 5, 2018 - $5 B
As of real time net worth, Septeber 7, 2018, $4.9B, bumaba pero mas malaki pa rin sa pangatlo, ang dating senador ng Pilipinas na si Manny Villar.
Ang 68-year-old ay chairman lang naman ng Starmalls, isa sa pinakamalaking mall operators ng bansa, at ang Vista & Landscapes, ang pinakamalaking homebuilder ng Pilipinas.
Sinong mag-aakala na ang bata na tumutulong sa pagtitinda ng isda sa palengke ay pangalawa lang naman sa top earners ng bansa?!
May-ari din ang pamilyang Villar ng Golden Haven Memorial Park, at noong 2017, nakuha nila ang Bria Homes, at bago pa ang 2019 ay mag-iinvest daw ang kanilang kompanya ng $35 million para gumawa ng 10 bagong shopping malls.
1. Henry Sy - Real time net worth as of September 5, 2018 - $18.3 B
As of September 7, 2018, $17.9B, at kahit pa ito bumaba pa ng isang bilyon ay siya at sya pa rin ang wagi.
Kilala na ng lahat kung sino si Henry Sy.
Taga pasok mo ng SM malls, makikilala mo sya.
Nag-umpisa sa isang convenience store hanggang nagkaroon ng footwear shop, at ngayon, richest man ng Pilipinas lang naman.
At 11 years na sya na nasa taas.
We added a new video with our fellow kababayans answering some tricky questions, and it sure is a whole lot of fun.
Will you be able to guess it?
Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel
Source: KAMI.com.gh