Inah de Belen inilahad umano "past abusive relationship" na pinagdaanan niya

Inah de Belen inilahad umano "past abusive relationship" na pinagdaanan niya

- Ayon pa sa balita, sa presscon ng Ika-5 Utos ng Kapuso ay inilahad ng anak nina John Estrada at Janice de Belen na si Inah de Belen ang diumano'y pang-abuso na pinagdaanan nya

- Sa kauna-unahang pagkakataon daw ay inamin ni Inah ang naranasan nya diumano sa dating non-showbiz boyfriend

- Isa raw syang "verbally abused girlfriend" noon, bago pa dumating sa buhay nya ang Kapuso aktor na si Jake Vargas

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Sa balita na hatid ng Philippine Entertainment Portal o PEP, napag-alaman namin ang paglahad ng anak nina John Estrada at Janice de Belen na si Inah de Belen sa pinagdaanan na "abusive relationship."

Ang pag-amin nito ni Inah ay nangyari daw sa presscon ng bagong afternoon drama series ng GMa-7 ang 'Ika-5 Utos,' na ginanap sa GMA Network noong gabi ng Lunes ng September 3.

Nabahagi raw ni Inah na medyo "nag-struggle" daw sya sa role nya bilang si Joana na isang battered girlfriend dahil daw tila may pagkapareha umano ito sa kanya, ayon pa sa balita na napag-alaman ng KAMI.

Pag-amin ni Inah na 26 years old na ngayon:

“To be honest, kaya medyo nag-struggle din ako sa role na ito, kasi the feeling and the situation is very similar to me.Not physical, no, no, no... ano lang, emotional."

Sa pagkaklaro ng Kapuso aktres tungkol sa kung sinong lalaki ang tinutukoy niya, dagdag niya:

“A former boyfriend.”

Ayon sa balita, "verbal o emotional abuse" daw ang naranasan ni Inah de Belen mula sa kanyang dating karelasyon diumano.

Ang sinasabi nyang "former boyfriend" ay isang non-showbiz na lalaki na hindi na daw nya alam kung nasaan na ito.

Sa pagbabahagi nya kung anong klaseng "verbal o emotional abuse" ang ginawa noong ex nya, sinabi nya:

“Wala, minumura lang.”

Hindi lang daw ito ka-isa na na nangyari pero twice.

Dahil raw rito ay nakaranas ng depression si Inah.

Sa pagkukwento nya, ani ni Inah:

“Oh my God! I can’t believe this! My mom is going to read this, my gosh! Ngayon lang niya malalaman, so sorry mom, I didn’t tell you,” nag-aalalang sabi ng Kapuso actress."

Dahil wala raw may alam sa mga nangyaring ito sa kanyang past relationships.

Pero, pagdidiin na sabi ni Inah:

“Siyempre, I think I owe it to myself, to really say what happened to me. Siguro, you know, this wasn’t super the right way, pero I want to speak also for people who have experienced this. "

Gayunpaman, kailangan daw nyang ipaalam ito sa mga tao.

"Kasi it doesn’t just happen to normal people or people who are not in showbiz, it happens to people in showbiz also. And if I can use this as a platform, to say na naranasan ko ‘to.”

Si Inah de Belen ang isa sa anak nina John Estrada at Janice de Belen na ngayon ay makikita sa Ika-5 Utos sa Kapamilya afternoon television series.

We added a new video with our fellow kababayans answering some tricky questions, and it sure is a whole lot of fun.

Will you be able to guess it?

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Sobrang apektado siya! Kris Aquino, nangayayat dahil sa problemang kinakaharap

Sobrang apektado siya! Kris Aquino, nangayayat dahil sa problemang kinakaharap

Sobrang apektado siya! Kris Aquino, nangayayat dahil sa problemang kinakaharap
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel