Fangirling! Maja Salvador kinikilig kay Dao Ming Si Dylan Wang ng Meteor Garden

Fangirling! Maja Salvador kinikilig kay Dao Ming Si Dylan Wang ng Meteor Garden

- Hindi makakaila na maraming mga Pinay teens ang kinikilig sa bagong Dao Ming Si ng Chinese at latest version ng Meteor Garden

- Noon hanggang ngayon, ang karakter ni Dao Ming Si ay talaga namang kinakikiligan at sa katunayan nga maraming Pinay na naman ang nawindang sa akto na gumanap nito

- Isa na rito ang magandang Kapamilya aktres na si Maja Salvador na talaga namang nagtrending kamakailan lang dahil sa mga pictures at videos sa social media

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Unang nasagap namin ang nakakaaliw na balita ng fangirling moment ni Maja Salvador sa cosmo.ph, at talaga namang nakakawindang sa kilig ang aktres dahil kay Dylan Wang, ang aktor na gumanap na Dao Ming Si sa bagong Meteor Garden.

Tila hindi lang tayo ang naloloka sa kagwapohan at ka-astigan ni Dylan Wang kung hindi pati si Maja Salvador is going gaga over Dao Ming Si!

Pagkatapos kina Anne Curtis, Ellen Adarna, Karylle, at Sharon Cuneta na open na open na crush nila sina Lee Dong Wook at Gong Yoo ng Goblin, ay si Maja na naman ngayon ang naloloka kay Dylan Wang ng Meteor Garden.

Sa katunayan, naispatan ng KAMI ang trending social media video ni Maja Salvador at talaga namang nawindang sa pagkakita ng isang life-sized standee ng naturang Chinese actor-singer-model na si Dylan Wang.

May pa "Didi & Lily" pa si Maja Salvador sa kanyang caption sa life-sized standee nya at ni Dylan Wang na magkatabi at puno ng heart emojis.

Todo support, kilig, at buhos na eaksyon naman ang mga netizens sa mga Dylan Wang posts ni Maja.

"Maja Salvador ang karibal! "
"I love didi"
"hahaha kailangan ko ng standee asap ahhahaa"
"Same maja same"
"Wahhh pwede n kahit standee lng ni baby didi bess hahahaha"
"wala na, panis tayo kay maja girl. Haha"
"hahaha kala ko sino inaano ni ate maja si dylan pala..ang kulit"

At may pa "Didi visits Lily in ASAP #MeteorFlower" si Maja Salvador.

Ang hashtag ni Maja ay kombinasyon ng Meteor Garden at ang show nya dati na Wildflower.

Si Maja Salvador ay nakilala ng husto sa kanyang papel bilang si Lily Cruz ng Wildflower sa Kapamily TV series.

Marami na rin syang mga serye at pelikula na pinagbidahan.

Ngayon ay makikita sya sa ASAP at may gagawing pelikula sa Regal films.

POPULAR: Read more news about Maja Salvador

We added a new video with our fellow kababayans answering some tricky questions, and it sure is a whole lot of fun.

Will you be able to guess it?

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Sobrang apektado siya! Kris Aquino, nangayayat dahil sa problemang kinakaharap

Sobrang apektado siya! Kris Aquino, nangayayat dahil sa problemang kinakaharap

Sobrang apektado siya! Kris Aquino, nangayayat dahil sa problemang kinakaharap
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel