13 Kapamilya stars at ang kanilang trabaho bago maging sikat na artista

13 Kapamilya stars at ang kanilang trabaho bago maging sikat na artista

Sa Kapamilya updates ng ABS-CBN sa Facebook page nito ay nagbahagi sila ng mga unang trabaho ng mga kilala at sikat na Kapamilya stars.

Nagbibigay inspirasyon sa mga tao ang mga celebs na ito na talaga namang walang hindi kayang abutin kung magsisipag at magtatyaga ka sa buhay gaya na lang ng 13 Kapamilya stars na mga ito.

Ang KAMI ay sumusuporta sa kahit ano mang uri ng inspirasyon, tagumpay, at mga pangarap na maabot din balang araw.

1. Jericho Rosales

Ayon sa source, bago pa man pumasok sa pag-aartista si Jericho Rosales ay naging fish vendor muna sya sa isang wet market sa Marikina.

Ito ay binahagi din ni Echo nang sumali sya sa Mr. Pogi sa Eat Bulaga noong 1996, at inuwi nya ang nasabing titulo.

Nagtrabaho rin daw si Jericho sa bilang service crew sa isang restaurant chain.

2. Richard Gomez

Bago pa man sumikat bilang matinee idol hanggang best actor, at naging long-time model ng Bench, at naging Mayor ng Ormoc City, si Richard Gomez ay unang naging service crew sa isang fastfood chain.

Nadiskubre sya ng isang talent manager.

3. Richard Yap

Bago pa man tayo pina in love ni sir Chief sa Be Careful With My Heart, isang businessman si Richard Yap bago mag-artista.

Mayroon umano syang ilang food franchises at nagtrabaho rin sya sa isang furniture company ng mahigit na dalawang dekada.

4. Pia Wurtzbach

Si 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach ay isang waitress sa isang hotel sa England ng tatlong taon.

5. Piolo Pascual

Si Papa P naman ay naging isang OFW na nagtatrabaho sa California, USA bilang emergency room representative bago pa man sya maging isang Ultimate Leading Man at best actor ng showbiz.

6. Coco Martin

Waiter naman ang unang trabaho ni Coco Martin sa isang local restaurant chain at naging janitor at Caregiver sa bansang Canada sya bago pa man naging aktor.

7. Iza Calzado

Isang dubber naman si Iza Calzado ng Venezuelan telenovela noon.

8. Enrique Gil

Isa munang commercial model si Enrique Gil bago maing aktor.

9. JC Santos

Isang performer naman umano si JC Santos sa isang sikat na theme park sa Hongkong at Singapore.

10. Matteo Guidicelli

Bago mag-artista, car racing naman ang naging unang karera ni Matteo Guidicelli.

11. Wacky Kiray

Bago pa si Wacky Kiray nabigyan ng break sa showbiz ay isang stand-up comediane muna sya.

12. Bayani Agbayani

Una ay naging waiter si Bayani Agbayani hanggang naging isang network production assistant, at kinalaunan ang nag-artista na rin sya.

13. Vice Ganda

Bago pa man naging Unkabogable Superstar si Vice Ganda ay naging singer at stand-up comedian sya ng ilang comedy bars.

Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

We added a new video with our fellow kababayans answering some tricky questions, and it sure is a whole lot of fun.

Will you be able to guess it?

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Tatlong mambabatas sangkot sa ‘pork barrel scam’ nais muling bumalik sa Senado

Tatlong mambabatas sangkot sa ‘pork barrel scam’ nais muling bumalik sa Senado

Tatlong mambabatas sangkot sa ‘pork barrel scam’ nais muling bumalik sa Senado
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel