My Special Tatay, Ken Chan, handang bigyan ng giya ni Candy Pangilinan

My Special Tatay, Ken Chan, handang bigyan ng giya ni Candy Pangilinan

- Si Yuan Lee ng Meant To Be ay gaganap bilang si Boyet isang Tatay na may "mild intellectual disability with mild autism spectrum disorder" sa Kapuso Primetime Series na My Special Tatay

- Sa nasabing teleserye ay makakasama ang aktres na si Candy Pangilinan na gaganap bialgn tiya ni Boyet sa show

- Malapit ang kwentong ito sa aktres dahil mayroon syang teenage na anak na lalaki na may autism na si Quentin Alvarado

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Dahil na rin sa personal na karanasan ng aktres na si Candy Pangilinan ay nabalitang handang handa daw sya para mabigyan ng giya ang aktor na si Ken Chan tungkol sa autism.

Ayon pa sa balita na naispatan namin sa PEP, mag-uumpisa na umano ang bagong afternoon drama series na My Special Tatay sa Kapuso network ngayong September 3.

Ito raw ang papalit sa Hindi Ko Kayang Iwan Ka na magwawakas sa Biyernes, August 31.

Napag-alaman ng KAMI na hindi nagdalawang-isip ang aktres na si Candy Pangilinan na tanggapin ang naturang role na gumanap sa papel ni Chona Mariano, ang tiyahin ni Boyet, na ginagampanan naman ni Ken Chan.

Ito daw ay dahil malapit ito sa kanyang puso ang kwento ng bagong Kapuso afternoon primetime series.

Hindi naman umano lingid sa kaalaman ng publiko ang buhay ng aktres at ang pagiging single mom nya at pagkakaroon ng teeanage na anak na lalaki na may autism.

Ani pa ni Candy Pangilinan:

“This is a chance para mabigyan ng boses at autism awareness ang community, yung mga bata na may disability, so natutuwa ako and I’m very grateful to be a part of this project."

Kaya naman may sapat na kaalaman si Candy Pangilinan tungkol sa autism dahil na rin sa kanyang personal na karanasan.

At dahil dito, importanteng asset siya sa afternoon series na My Special Tatay.

Hindi pa raw nakapag-usap sina Candy at Ken tungkol sa autism pero sabi pa sa balita ay handa naman daw ang komedyanteng aktres na bigyan ng giya o pointers ang lead actor ng upcoming TV show ng GMA-7.

Bibigyan pa nga raw ni Candy ng kanyang libro na may titulo na "Mommy Dear: Our Special Love."

Natatawang pagbahagi ng aktres:

"Ah, bibigyan ko siya ng book pala kasi hindi siya bumili, masama ang ugali. P225 lang sa National Bookstore, hihingin pa sa akin. Hehehehe!"

Sa seryosong pagpaliwanag, sinabi ni Candy na:

"Hindi po, bibigyan ko siya ng book para maintindihan niya yung pinagdadaanan na stages ng development ng mga bata. Kung ano yung fears nila, kung paano sila nagre-react sa ibang tao,"

Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

And because the “Kiki Challenge” is the new “in” thing across the globe, especially here in the Philippines, and we just don’t want to miss out the whole fun of this newest trend, and thus, we are taking the challenge into a new funnier and wackier level.

Check him out in the video below!

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Jy Lin avatar

Jy Lin