Heart Evangelista, may dahilan kung bakit palaging nakasuot ng high heels

Heart Evangelista, may dahilan kung bakit palaging nakasuot ng high heels

-Isa sa mga fashion icon sa Pilipinas si Heart Evangelista kaya naman kahit ang mga sapatos nito, trending

-Ibinahagi ng Philippine Television Sweetheart kung bakit nga ba, kahit sa bahay naka-heels siya

-Share pa ni Heart, kahit may asawa na, dapat always look good pa din daw

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Isa si Heart Evangelista o Love Marie Ongpauco sa totoong buhay, sa mga hinahangaan sa Pilipinas.

Hindi lang sa angkin ganda at pagiging aktres nito, kundi pati na rin sa husay nito fashion.

Kaya naman isa si Heart sa mga sikat na fashion icon sa bansa.

Ngunit ang isa sa kapansin-pansin sa Philippine television sweetheart ay ang palaging pagsu-suot nito ng high heels, kahit sa bahay.

Sagoy ni Heart dito sa isang interview mula sa GMA News:

“I feel good when I'm taller, I'm 5'2” and when I'm not standing up properly I'm 5'1". So kailangan talaga super straight back. I feel good, I feel like I look better when I'm wearing my heels. So tiis ganda talaga siya, but when I'm traveling, I really bring a numbing cream.”

Nag-share din ang Kapuso actress kung bakit kahit na may asawa ay looking great pa rin siya. Kahit daw sa bahay nagsu-suot siya ng mga slip-on heels.

“It's true, even if I'm married and sometimes there are days when I wear my pajamas na Winnie the Pooh, and they look really funny and old.”

“But even when you're with your husband or the people who see you every day, you wanna look good. It's your responsibility to also make them inspired na, ang ganda naman niya kapag umaga. I wanna look good so I also wear heels.” dagdag nito.

Ikinasal si Heart Evangelista kay Senator Chiz Escudero sa Balesin Island Club noong February 15, 2015. Si Chiz ay may dalawang anak sa dati niyang asawa na si Christine Elizabeth Flores.

Bago ang Mother's Day 2018, ipinaalam ni Heart sa social media na siya ay buntis.

Sa kasamaang palad, parehong pumanaw ang kambal habang siya ay buntis.

POPULAR: Read more news about Heart Evangelista here!

Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Do you want to stay on top with all of the latest social problems and hear people’s life stories? If your answer is “yes”, then this playlist in exactly what you need! How Do You say “cheers” In Filipino? – on HumanMeter Youtube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Ready to mingle kaya? Karla Estrada, inamin sa mga anak na single siya ngayon

Ready to mingle kaya? Karla Estrada, inamin sa mga anak na single siya ngayon

Ready to mingle kaya? Karla Estrada, inamin sa mga anak na single siya ngayon
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel