"Bawal ang bakla", Kaladkaren Davila na-discriminate daw sa isang bar sa Makati

"Bawal ang bakla", Kaladkaren Davila na-discriminate daw sa isang bar sa Makati

-Galit na nag-post ang TV impersonator na si KaladKaren Davila sa kanyang twitter account matapos hindi papasukin sa isang bar sa Makati

-Ipinost niya pa ang video kung saan maririning ang convo nila ng bouncer sa bar na nagsabing "Bawal ang bakla"

-Nilinaw naman ng kampo ng bar ang kanilang side nila hinggil dito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News feed!

Galit na nag-post si Jervi Li o mas kilala as KaladKaren Davila, TV impersonator, sa kanyang twitter account, ito ay matapos na hindi sila papasukin ng kanyang mga kaibigan sa H&J Sports Bar and Restaurant sa Poblacion, Makati City.

Ang dahilan daw ay dahil "bawal ang bakla" sa loob ng nasabing bar.

Ipinost niya ang video ng pag-uusap nila ng bouncer, dito maririnig na sinabi mismo ng bouncer na "bawal ang bakla".

Sa sumunod na tweet ni KaladKaren, nanawagan siya sa LGBT communities at sinabing isa ang insidenteng nangyari sa kanila kung bakit kinakailangan nila ng proteksyon.

May isang netizen (@gelogallardo) naman ang nag-post sa thread ng screen shot ng convo nito via private message sa isang DJ Izza na mula sa kampo ng private bar na natukoy.

Ayon dito ay kukumpirmahin muna nila ang detalye ng insidente.

Sagot pa ng DJ, “If you can see naman po sa mga pictures every week, we welcome and party with all gender. We'll make sure to clarify this issue, once we already have the information. Thank you.”

Dagdag pa nito, meron silang gay dj na hina-hire sa bar.

Sa sumunod na screen shots, sinabi ng dj na nag-send na umano ito ng private message kay KaladKaren upang linawin ang issue.

Sinabi din nito ang dahilan ng management ng bar kung bakit hindi pinapasok sila KaldKaren ng gabing iyon.

“Last Saturday night, there's an incident daw na one of the customers lost his wallet. And ang mga nakishare daw sa table are gays."

"So nagkataon lang po siguro na they stopped allowing entry muna sa gay, kasi mainit pa daw po yung issue sa loob and inaayos pa po."

Muling humingi ng paumanhin ang dj ng paumanhin sa mga nangyari at inimbitahan pa sila KaladKaren sa bar upang personal na makapag-sorry dahil sa miscommunication.

“But I clarified with our management. And all gender are still welcome sa H&J and will always be. We have regular gay customers as you can see din po sa page ng H&J.”

Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Do you know how to translate a Tagalog word Baka into English? And more, and more, and more…In this episode, you will find only the best questions, the best answers, and the best victims of HumanMeter team (laughs evilly) -on KAMI Youtube channel!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Annie Symone avatar

Annie Symone