Supervisor ibinahagi kung paano nakatulong ang pagiging Jollibee crew sa narating niya ngayon

Supervisor ibinahagi kung paano nakatulong ang pagiging Jollibee crew sa narating niya ngayon

- Viral ngayon ang post ng isang Jollibee crew na sobrang proud sa nakamtang tagumpay

- Ibinahagi niya kung gaano siya ka proud sa "training" na nararanasan nila sa pagiging isang crew

- Lahat na klase ng trabaho, may katapat na kagalingan sa isang propesyon

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isang post ngayon ng graduate sa kolehiyo ang nag-viral dahil inilathala niya kung paano ang pagiging isang Jollibee crew ay nagmimistulang "training" sa aktwal na propesyon.

Nalaman ng KAMI na inhambing niya ang bawat trabaho dun sa mga kagalingang kailangan ng mga propesyonal.

Sa buong walong oras na kailangan nilang magtrabaho, makikitang may nakakamtan silang kagalingan.

Isang halimbawa na dito ay ang mga dining crew, na walong oras daw tumatakbo't naglalakad kaya mabilis din mawala pag uwian na sa school.

Ang mga nagsasalita naman sa counter area ay magagaling sa recitation.

Yung mga nasusuggest sa customers ay magagaling sa marketing.

Ang mga nasa pantry, fry at grill ay walong oras na nakiking sa mga call ng counters, kaya talaga magaling sila makinig sa klase.

Proud talaga si kuya sa lahat ng natutunan niya sa Jollibee! Eto ang buong pahayag niya:

"SINO KAMI? �

- Kami po ang mga batang maaga gumigising para pumasok sa paaralan..

- Kami po ang mga batang pagkatapos mag-aral eh diretso na po agad sa work.

- Kami po yung mga batang laging nagmamadaling kumilos, laging nakatingin sa relo dahil baka mahuli sa pinapasukang trabaho o sa paaralan.

- Kami po yung mga batang ang umagahan ay tanghalian at ang tanghalian ay hapunan.

OPO KAMI PO YUN!! �

Taga saan po kami?

Taga JOLLIBEE PO KAMI!!!! �

- Walong oras po kaming tumatakbo at naglalakad sa dining area. KAYA ANG BILIS PO NAMING MAWALA KAPAG UWIAN NA SA SCHOOL. (Dining Crew)

- Walong oras po kaming nagsasalita sa counter area. KAYA PO ANG GALING NAMIN SA RECITATION. (Counter Crew)

- Walong oras po kaming nagsusuggest sa mga customer. KAYA PO ANG GALING NAMIN SA MARKETING. (Smart)

- Walong oras po kaming nakikinig sa mga call ng counters. KAYA PO NAKIKINIG TALAGA KAMI SA KLASE. (PC, PANTRY, FRY, GRILL)

- Walong oras po kaming gumagawa ng sundae. KAYA PO HALOS SCHEDULE NAMIN PURO PO SATURDAY AND SUNDAE. (SODA) ok �

- Walong oras po kaming nagbibilang ng pera. KAYA PO ANG GALING NAMIN SA FINANCE. (SC)

- Walong oras po kaming nagluluto. KAYA PO MASARAP KAMING MAGLUTO SA BAHAY. (BACK-UP)

- Walong oras po kaming nagbibilang ng stocks. KAYA PO ANG GALING NAMIN SA ACCOUNTING. (STOCKMAN)

- Walong oras po kaming naghuhugas ng pinggan habang masayang nagkakantahan. KAYA PO ANG GALING DIN NAMING SINGER. (WASHER) �

- Walong oras kami naglilinis ng cr. KAYA LAGING LINYA NILA SA SCHOOL IS " EXCUSE ME MAAM, CR LANG PO SAGLIT". (CIC) joke �

Ngayon alam niyo na kung bakit ang gagaling ng mga taga Jb. Share mo sa mga kakilala mong naging part ng JOLLIBEE! �

JOLLIBEE CREW NOW, FUTURE LEADERS TOMORROW! HE HE HE �

PROUD TO BE A GRADUATE, AND A PART OF JOLLIBEE FAMILY!!! �

Truly yours,

JOHNSON NAGUIT"

Tricky Questions: Can you translate this into English? on Kami YouTube channel This video shows the ability of Filipinos to translate sentences hurled at them into the universal English language.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Stacy dela Fuente avatar

Stacy dela Fuente (Editor)