Gr.5 student sa viral video na nakabitin sa bintana, ₱10 raw ang dahilan bakit ito nagawa
- Nagviral ang video ng batang lalaki na nag-ala- spiderman sa pagbitin sa bintana ng pinakamataas na palapag ng paaralan
- Marami ang nakasaksi dahil sa malapit ito sa footbridge sa Commonwealth Elementary School
- Ayon sa adviser na bata, inutusan ito ng kaklase na kunin ang ₱10 nahulog sa bintana
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Nag-viral ang post ng isang netizen na huli sa akto ang paglambitin ng batang lalaki sa bintana ng ikaapat na palapag ng kanilang paaralan.
Nalaman ng KAMI na orihinal na post na tila binura na ng netizen, tinawag nito ang atensyon ng guro ng bata sa kapabayaan daw dito.
Ayon sa ulat ng GMA news, nagpaalam naman daw ang guro na pupunta lamang daw ng CR sandali. Laking gulat niya sa kanyang pagbalik na nagkakagulo na ang kanyang mga estudyante dahil nakalambitin na umano ang isa nilang kaklase.
"Akala kasi niya, abot ng mga paa niya sa gilid," sabi ng guro.
Inutusan daw di umano ng kaklase niya ang bata na kunin ang ₱10 nahulog sa bintana kaya naman lumusot ito sa fire exit para kunin.
"Hinawakan ko po siya. Eh sa sobrang, sa bigat po ng bata, hindi ko po kinaya. Ngayon, tinawag ko 'yung katabing classroom na adviser na tulungan akong buhatin 'yung bata," dagdag pa ng adviser ng bata.
Dumating din ang mga pulis at ilang mga opisyal ng barangay upang tumulong na mailigtas ang bata.
Nahila naman ito pabalik sa kanilang classroom ngunit tumagal din ng ilang minuto bago ito nagawa.
"Isolated case" itong maituturing ng Division of City Schools ng Quezon City.
Binigyang linaw din ang hindi pagkandado ng mga fire exit alinsunod sa "Revised Fire Code of the Philippines."
Samantala, naipangako naman ng magulang ng estudyante na mas lalo pa nilang pagiigtingin ang paggabay sa anak.
Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!
The new virus has been spreading all over the planet. It’s called "In My Feelings" Challenge, or Drake Dance Challenge. KiKi Do You Love Me Drake Dance Challenge Part 2 | Drake - In My Feelings Challenge | HumanMeter on KAMI Youtube channel.
Source: KAMI.com.gh