10 Tabing Ilog stars at ang kanilang karera ngayon

10 Tabing Ilog stars at ang kanilang karera ngayon

Pagkatapos nating kumustahin ang 12 original cast members ng youth-oriented television series ng Kapamilya, ang Gimik, ngayon naman ay ang Tabing Ilog stars.

Ating sisilipin ang karera ng kanilang buhay ngayon sa pamamagitan na rin ng kanilang mga social media accounts.

Minsan masarap balik-balikan ang mga magagandang nakaraan, at ang Tabing Ilog ay isa sa mga naging hit na youth-oriented drama series ng ABS-CBN, kaya naman kumustahin ng KAMI ang mga aktor at aktres na napamahal na sa atin sa nasabing show.

1. Paula Peralejo - Angela "Anne" de Guzman

Sa unang balita ng ABS-CBN News noong isang taon, naggraduate ng magna cumlaude sa University of the Philippines Diliman sa kursong BA in Philisophy, minor in Tourism, ang isa sa mga lead stars ng Tabing Ilog.

Speaking of tourism, busy naman sya sa bilang isang travel blogger at nagmamanage din sya ng kanyang sariling travel agency, ang 'Our Restless Feet Travel and Tours,' sa unang balita din na hatid ng GMA News, na naibahagi din namin rito.

2. Kaye Abad - Epifania "Eds/Ponyang" delos Santos

Sa binalita natin kamakailan lang sa Gimik casts, kung saan una din natin nakita ang likas na kagandahang Pinay ni Kaye Abad, nasa Cebu sya ngayon, kasama ang kanyang mister na si Paul Jake Castillo, na dati ring PBB housemate, at ang kanilang unico hijo.

Tila busy si Kaye sa business nila ni Jake na Grillers US Steak House bukod sa pagiging mommy at misis.

3. Desiree de Valle - Corrine Ledesma

Bukod sa pagpakasal nya sa aktor na si Boom Labrusca ang ama ng Kapamilya aktor din na si Tony Labrusca, busy ngayon si Desiree bilang si Natasha Ojeda sa Asintado TV show ng ABS-CBN.

4. Jodi Sta. Maria - Georgina "George" Fuentebella

Isa sa pinakavisible na Tabing Ilog cast members ay si Jodi Sta. Maria, ngayon ay makikita natin siya bilang si Mona at si Lisa sa Kapamilya show na Sana Dalawa Ang Puso.

5. Paolo Contis - Salvador "Badong" Magtibay

Naging GMA Artist si Paolo Contis noong 2005 at hanggang ngayon ay Kapuso pa rin sya.

Masayang masaya naman ang kanyang lovelife with Kapuso aktres LJ Reyes at maganda din ang kanyang relationship sa anak ng huli kay Paolo Avelino.

At ka Bubble Gang pa rin siya simula 2005 hanggang ngayon.

6. Patrick Garcia - Jaime "James" Collantes

Kagaya ni Kaye Abad, una din nating nakita si Patrick sa Gimik.

Isa sya sa mga orihinal na cast member ng dating youth-oriented TV show na binalita namin kamakailan lang.

Aktibo pa rin sa showbiz si Patrick at nakikita as a guest role sa Sana Dalawa Ang Puso.

7. John Lloyd Cruz - Rolando Victor "Rovic" Mercado

Kahit hindi na aktibo sa showbiz ngayon si John Lloyd Cruz ay updated pa rin ang taong bayan tungkol sa buhay nya ngayon kasama ang kanyang minamahal na si Ellen Adarna dahil ang magsing-irog ay dalawa lang naman sa pinaka pinag-uusapan na mga personalidad.

Hindi naman nakakagulat dahil sa kasikatan ni Lloydie, na kilalang kilala bilang box-office king.

8. Baron Geisler - Alfonso "Fonzy" Ledesma

Pagkatapos ng maraming kontrobersiya, tila nasa mabuting estado ng buhay na ngayon si Baron, at nagkaroon ng malapit na relasyon sa panginoon, na makikita din natin sa kanyang IG feed.

9. Carol Banawa - Andrea "Andoy"

Nasa Amerika na naninirahan ang tinaguriang crystal voice ng bansa, at sa isang post nya sa kanyang IG, isa na syang registered nurse.

10. Camille Pratts - Natasha

Nakikita ngayon si Camille Pratts bilang sa Mars ng GMA News TV.

Kung may remake ang Tabing Ilog, sino ang gusto niyong makasama sa mga henerasyon ng mga artista ngayon?

Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

And because the “Kiki Challenge” is the new “in” thing across the globe, especially here in the Philippines, and we just don’t want to miss out the whole fun of this newest trend, and thus, we are taking the challenge into a new funnier and wackier level.

Check him out in the video below!

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Ready to mingle kaya? Karla Estrada, inamin sa mga anak na single siya ngayon

Ready to mingle kaya? Karla Estrada, inamin sa mga anak na single siya ngayon

Ready to mingle kaya? Karla Estrada, inamin sa mga anak na single siya ngayon
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel