Mexican mom at batang Pinay na higit 6 na taong nagkahiwalay, muling nakapiling ang isa't isa

Mexican mom at batang Pinay na higit 6 na taong nagkahiwalay, muling nakapiling ang isa't isa

- Isang babae mula sa Mexico na si Thabatta Lopez ang dumulog kay Raffy Tulfo upang makuha ang kustodiya niya sa anak na babae na si Ivy Lopez

- Aniya, higit anim na taong nawalay sa kanya si Ivy na tuluyang inilayo sa kanya ng ama na si Loiver Pascual at dinala sa probinsya ng Nueva Ecija

- Naging emosyonal naman ang dalawa nang magharap na sa DSWD at napagkasunduan na isasama na siya sa Mexico upang mabigyan ng magandang buhay

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Naging madamdamin ang tagpo ng mag-inang sina Thabatta Viviana Lopez at Ivy Lopez nang matulungan sila ng programa ni Raffy Tulfo upang makapiling ang isa't isa sa wakas. Nagpapasalamat naman ang ina sa nasabing programa.

Ayon sa nakalap na impormasyon ng KAMI, matagal na niyang hinahanap ang anak na hindi raw sinabi nang matagal ng ama nito na si Loiver Pascual.

Diin ni Thabatta na itinago raw sa kanila ang bata nang matagal. At ayon pa sa kanya, sinusuhulan pa raw siya umano para lang daw sabihin kung paano na ang kalagayan ni Ivy.

Sa kasakulkuyan ay nasa Dubai si Loiver at ani Lopez ay siya pa raw ang nagbigay sa kanya ng perang inutang sa loan upang matulungan siya sa Dubai.

Hangad lamang daw ni Thabatta na makita at mayakap muli si Ivy dahil sa matagal na itong nawalay sa kanya. At gusto na rin nya itong dalhin sa Latin America upang mamuhay nang mapayapa doon at mabigyan si Ivy ng magandang kinabukasan.

Sa huli ay napagkasunduan ng dalawang panig na hayaan na si Ivy sa ina dahil ito naman ang karapatan ng isang ina ayon sa batas pandaigdig na kung saan ay halos lahat ng bansa ay sinusunod ito bilang alituntunin sa pagiging magulang.

Laking pasasalamat din naman ni Thabatta sa naging mabilis na pagtugon ni Raffy tulfo at ng programa upang mapabilis ang pagkikita nila ni Ivy. Aniya, noon daw ay hindi na siya matulungan pa ng pamahalaan ng Mexico.

Panoorin sa ibaba ang nasabing episode ng Raffy Tulfo in Action:

In this episode, you will find only the best questions, the best answers, and the best victims of HumanMeter team (laughs evilly). Is Cape Town the capital of Africa? Do you know how to translate a Tagalog word Baka into English? And more… – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Jelo Medina avatar

Jelo Medina