Isa sa mga lalaki sa viral na video ng pananakit sa Barangay enforcer, mastermind daw sa pagpatay sa sariling kapatid

Isa sa mga lalaki sa viral na video ng pananakit sa Barangay enforcer, mastermind daw sa pagpatay sa sariling kapatid

-Ipinalabas nitong Lunes ang video ng mga barangay traffic enforcer na sinaktan ng isang grupong lumabag sa batas-trapiko

-Kinilala ang lalaking umano'y amo ng mga lalaking nanuntok sa video na si Arnold Padilla, na dati na palang kinasuhan kabilang na ang salang pagpatay sa sariling kapatid

-Ayon pa sa ulat, maging ang mga kapit-bahay ni Padilla ay may takot na rin diumano dito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Naiulat nitong linggo ang pananakit ng isang grupo ng motorista, sa EDSA Magallanes nitong Lunes, sa mga Baranggay traffic enforcer. Sa video makikitang sinaktan ng isang lalaki na bodyguard umano ng may-ari ng sasakyan na kinilalang si Arnold Padilla. Makikita rin ang panduduro ng isang babae na asawa pala ni Padilla. Ayon pa sa isang enforcer na kasangkot sa insidente, dalawang beses diumano siyang binatukan ng babae sa video.

Dahil sa insidenteng ito, nalaman ng KAMI mula sa GMA News, na patong-patong na pala ang kasong nakasampa kay Padilla na hindi bababa sa tatlumpo, sa Baranggay Magallanes. Isa na dito ay noong April 2013, kung saan dinuraan, ininsulto at binantaan umano nito ang isang security guard na tumulong lamang sa isang komosyong sangkot din si Padilla. May mga kapit-bahay din umano ang lalaki na may takot na dito dahil sa pagbabanta umano ng lalaki. Iimbestigahan na ito ng Polisya.

Samantala, kakasuhan na ang mga ito ng direct assault against the person in authority at physical injuries. Meron ding kontra demanda laban sa mga enforcer.

Bukod dito, kinasuhan na din pala si Padilla at ang ina nito sa DOJ noong October 2013 sa kasong frustrated murder at murder kaugnay sa pagpatay sa kapatid nito mismo. Habang sugatan naman ang anim na taong gulang na anak nito. Ayon sa pinsan ni Arnold, ang mag-inang Padilla ang mastermind sa pagpatay na mariing itinaggi ng mga ito.

Ang viral na insidenteng ito nauna ng ibalita ng KAMI.

The new virus has been spreading all over the planet. It’s called "In My Feelings" Challenge, or Drake Dance Challenge.KiKi Do You Love Me Drake Dance Challenge Part 2 | Drake - In My Feelings Challenge | HumanMeter on KAMI Youtube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
May pinagdadaanan? Alessandra de Rossi, ginulat ang mga fans sa kanyang bagong look

May pinagdadaanan? Alessandra de Rossi, ginulat ang mga fans sa kanyang bagong look

May pinagdadaanan? Alessandra de Rossi, ginulat ang mga fans sa kanyang bagong look
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel