Palit sila ng gawain! Misis, proud sa asawa niyang namamahala sa gawaing bahay

Palit sila ng gawain! Misis, proud sa asawa niyang namamahala sa gawaing bahay

- Binahagi ng isang netizen kung paano sila nagpalit ng ginagampanang tungkilin ng kanyang asawa na naoperahan sa puso

- Dahil sa sitwasyon ng asawang dalawa na ang metal na nakakabit sa puso, kinailangan ni Gladys Calongcagong na magtrabaho para sa kanilang pamilya

- Bagaman at di makapag-hanapbuhay para sa pamilya, sinisigurado naman ng mister ni Gladys na di niya napapabayaan ang kanilang tahanan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nakatutuwang isipin na dala ng pagmamahalang namamagitan sa tahanan nina Gladys Calongcagong at kanyang mister, naitataguyod pa rin nila ng maayos ang kanilang pamilya.

Dahilan sa naoperahan ang asawa ni Gladys sa puso, di ito maaring gumawa ng mabibigat na trabaho. Kaya naman minabuti ni Gladys na siya na lamang ang maghanapbuhay para matustusan ang pangangailangan ng kanilang pamilya.

Palit sila ng gawain! Misis, proud sa asawa niyang namamahala sa gawaing bahay
source: supplied

Bagaman at naiiwan ang mister ni Gladys, di naman ito naging pabigat lamang sa kanila. Katunayan, pinagmamalaki talaga ni Gladys ang kanyang asawa na katuwang talaga niya sa buhay.

Narito ang salaysay ni Gladys na binahagi niya sa KAMI:

Sobrang saya ko po tlaga n 12 hrs. Kang pagod bilang factory worker tpos ayan ang dadatnan mo s inyong tahanan..

Proud aq sobra sa asawa ko 10 yrs. Ago wla p po kaming anak at xa ay naoperahan s puso .

Sya po ay may metal n s heart n dalawa..

Kaya ako po bilang isang ina ang nagtatrabaho s amin at ang asawa ko po.ang nagsisilbing ina s loob ng tahanan.

Xa ang gigising sa umaga para magasikaso sa amin ng anak q pagpasok s skul at aq s work.

Xa ang ngbabudget ng alow. Namin. Xa ang nakakaalam kng ubos nba ang gatas ng mga anak nmin, kung wla ng gasul, kung bayaran n ng kuryente, mga babayaran s skul , xa ang hatid.sundo s mga anak nmin s skul, xa ang gumagawa ng assignment. Proj. Atend ng miting s skul at xa dn ang nagsasabit.ng medal s mga anak ko. At kht bawal xa magpagod madalas nyang ubusin.ang labahin q kapag magdayoff na ako.

Palit sila ng gawain! Misis, proud sa asawa niyang namamahala sa gawaing bahay
source: supplied

Pro yang post q n yan . May pilay po xa at nagbabad na po aq ng mga damit.nung gbi para aq maglaba, napilay ang kamay nya dhil s nilabhan nya dn.nung nakaraang linggo n malaking basahan kya sbi q wag n wag magllaba. Pro ayn kaht.makalat s bahay tlgang ginampanan parn niya ang pagiging ina s bahay .. kasabay ng pagtulong nya s assignment. Ng mga anak nmin. Sobrang blessed po tlga aq s pamilya ko. Sna po mashare nyo . Slamt po.

This episode is dedicated to a very important issue – the safety of our children. Filipino Kidnapping Social Experiment: Are Your Children Safe? | HumanMeter on KAMI Youtube channel.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica