Habulin parin! Ina Raymundo, malakas parin ang appeal sa edad na 42

Habulin parin! Ina Raymundo, malakas parin ang appeal sa edad na 42

- Sa edad na 42, tila hindi pa rin kumukupas ang appeal ni Ina Raymundo sa mga kalalakihan

- Ito ay napatunayan sa gala night ng pelikulang Kuya Wes sa CCP Main Theate

- Napasipol ang ilang kalalakihan nang ipinakilala si Ina Raymundo

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa edad na 42, marami pa rin ang humahanga sa kagandahan ni Ina Raymundo. Napasipol ang ilang kalalakihan nang ipinakilala si Ina Raymundo sa gala night ng pelikulang Kuya Wes sa CCP Main Theater noong Lunes, August 8.

Ang 'Kuya Wes' ay pinagbibidahan ni Ogie Alcasid na isang entry sa Cinemalaya 2018.

Ayon kay Ina, may mga lalaki pa ring nagpaparamdam sa kanya kahit alam naman daw silang may asawa na siya.

May mga pumuporma pa sa kanya sa social media kung saan nagcocomment sa kanyang mga Instagram posts.

Gayunpaman hindi ito pinag-uukulan ng pansin ng aktres dahil hindi tamang gawin yun sa isang happily married at may limang anak.

“Sa totoo lang, mas masaya ako sa ngayon.

"Kung ano yung nararating ko ngayon, masasabi kong proud ako.

Ikinumpara pa niya ang kanyang career noong dalaga pa siya at ngayon.

“Kumpara dati na siguro mas maraming mga fans noon, pero hindi ako proud most of my work at that time.

“So now, mas happy ako sa status ko sa showbiz.

Mas minahal daw niya ang trabaho niya ngayon.

"I would say, I love my job more than ever.

"Siguro when I was younger, I took it for granted, ganun yung tingin ko."

Hindi naging madali ang kanyang pinagdaanan noon dahil sa mga intriga at kontrobersiyang ipinukol sa kanya noon.

“Yung mga intriga kasi, yung mga controversy, mga intriga na wala namang katuturan, di ba?

"Ngayon, mas masarap yung buhay, saka mas napipili ko yung project na gusto kong gawin," sabi pa nito.

Si Ina ay isa sa mga artistang kilala sa kanyang mga daring roles noong dekada 90. Nagpahinga siya sa showbiz nang mag-asawa at bumalik kamakailan lang. Meron na siyang limang anak.

Filipino Kidnapping Social Experiment: Are Your Children Safe? | HumanMeter

HumanMeter Social Experiment returns to our YouTube channel. This episode is dedicated to a very important issue – the safety of our children. Today, we are going to check if parents teach their kids not to talk to strangers.

Do children know the basic safety rules or a stranger can easily take them out of a playground?

Click “Play” to watch this new episode of HumanMeter Social experiment.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate