Netizens, labis ang pag-alala sa batang nagtitinda ng sampaguita sa kalakasan ng ulan

Netizens, labis ang pag-alala sa batang nagtitinda ng sampaguita sa kalakasan ng ulan

- Viral ngayon ang larawan ng isang batang lalaki na nagtitinda ng samaguita sa kasagsagan ng lakas ng ulan

- Kuha daw ang larawan sa Edsa Makati City at napayuko na lamang ang bata at wala siyang masilungan sa gitna ng kalsada habang bumubuhos ang malakas na ulan

- Nadurog daw ang puso ng mga netizens na nakakita ng larawa at wala silang ibang hangad kundi ang matulungan ang bata

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Agaw eksena ngayon sa socmed ang larawan ng isang batang lalaki na nakilalang si Marlon.nagtitinda ng sampaguita sa Edsa Makati.

Nalaman ng KAMI na Marlon ang pangalan ng bata at maraming netizen ang naatig sa kalagayan niya dahil sa kasagsagan ng malakas na ulan napayuko na lamang si Marlon sa gilid ng highway.

Ayon pa sa post ng 'Matalinong matsing' sa facebook, pansamantalang yumuko sa ginaw ang bata dahil wala siyang masilungan manlang.

Sa caption din ng larawan, tinatawag ng nag-post ang atensyon ng taga DSWD dahil sa naging sitwasyon ni Marlon na isang menor de edad.

Sinabi rin ng nag-post na i-share ang post upang makarating sa kinauukulan at nang matulungan ang bata.

Samantala, umani naman ng iba't ibang reaksyon ang post. Ang iba, tila kinuwestyon pa ang pagkuha ng larawan ng nag-post. Sana raw ay tinulungan ang bata sa pagpapasakay nito sa kanyang sasakyan. Ngunit depensa naman ng iba, di raw ito basta- basta pwede gawin ng kumuha ng larawan dahil maari siyang pagbintangang kidnapper.

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"You’re so kind, Why not just let him in to your nice ride, The little boy would appreciate that more, than having his picture taken."

"anong malay nyo after picturan. bumaba sys ng car binili un sampaguita, may extra cash p n binigay or malay nyo pinasakay ng kotse at hinatid n ng bahay plus binigyan ng pera. nalaman nya un name eh. di nman sya siguro basta lang magbukas ng bintana at sisigaw ng "hoy boy ano pangalan mo" or di nman siguro nya basta hinulaan un name ng bata. may ginawa sya kaya nya nkuha un tiwala ng bata pra ibigay s kanya un name nito"

"Baka pag sinakay yong bata pag kamalan siyang kidnapper"

"Mag isip ka nga! Alam mo ba pwede sya kasuhan ng kidnapping kung pasasakayin nya ang bata. Tsk!"

"kausapin mo ang bata? Alam mo Kahit saan May batas na kailangan ay may pahintulot ng magulang bago ka gumawa ng hakbang sa mga bata. Tandaan mo uso ngayon ang mga nangdudukot ng bata at mga nakasasakyan pa. Paano kung mapagkamalan sya dinudukot nya ang bata? Edi nagulpi pa sya ng taong bayan. Madaming paraan sa pagtulong pero kunin mo ang bata na walang pahintulot mg magulang ay maling paraan."

"Mas agree ako kung sinakay at dinala sa police station na pnka malapit, nakaawa ang bata tlgang napayuko nlng sa ginaw at lakas ng ulan"

This episode is dedicated to a very important issue – the safety of our children. Filipino Kidnapping Social Experiment: Are Your Children Safe? | HumanMeter on KAMI Youtube channel.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica