Half brother ni CJ Ramos na si Sherwin Ordoñez, nagsalita tungkol sa kinasangkutan ng kapatid
- Nagsalita si Sherwin Ordoñez tungkol sa kinasangkutan ng half-brother na si CJ Ramos
- Ikinuwento niya ang pinagdaanan ng kanyang kapatid
- Nagkita pa umano sila isang araw bago maaresto si CJ
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Ipinaliwanang ng dating aktor at dancer na si Sherwin Ordoñez ang pinagdaanan ng dating child star at half-brother niya na si CJ Ramos.
Makakalabas naman umano si CJ kapag nakapagbayad ng piyansa ang pamilya nito ayon kay Sherwin na dating Abztract dancer at Kapuso actor.
Ayon pa kay SHerwin, isang araw bago siya mahuli ay nagkita pa umano sila.
“Last week. Oo, magkasama kami, pumunta siya rito kumuha ng...
"Binibigyan ko siya ng sapatos, kasi nagtitinda ako ng sapatos, e."
Ikinuwento ng dating aktor kung paanong natutong gumamit ng droga ang kapatid.
“Before, yes, umamin naman siya. Before, oo, kasi kumbaga depression niya yun, e.
Ayon pa sa kanya, nagsimula ito nang mawalan na ng offers sa kanya dahil sa pinagdaanang awkward stage.
“Yung transition kasi ng pagiging artista niya, nawala siya sa limelight dahil yung tinatawag nilang awkward stage as a child star, yung transition to teens, mahirap.
“So, nawalan siya ng mga offers. 'Tapos ganito, ganyan, ganyan. 'Tapos nag-try siya mag-aral nun.”
Si CJ ay nakilala bilang child star ng Kapamilya network. Kasama din siya sa mga batang bumida sa youth-oriented show na AngTV.
Ilan sa mga nagawa niyang pelikula ay Tumbasan Mo Ng Buhay (1993), Ang TV The Movie: The Adarna Adventure (1996), at Tanging Yaman (2000).
Si Sherwin naman ay unang nagkilala bilang miyembro ng Abztract.
Pinasok niya din ang pag-arte at naging contract artist ng Kapuso Network. Ilan sa mga naging palabas na kinabilangan niya ay Click (Batch 2, 2002-2003), Pintados (1999) at Ikaw Lang ang Mamahalin (2001).
POPULAR: Read more about Philippine viral news here
Filipino Kidnapping Social Experiment: Are Your Children Safe? | HumanMeter
HumanMeter Social Experiment returns to our YouTube channel. This episode is dedicated to a very important issue – the safety of our children. Today, we are going to check if parents teach their kids not to talk to strangers.
Do children know the basic safety rules or a stranger can easily take them out of a playground?
Click “Play” to watch this new episode of HumanMeter Social experiment.
Source: KAMI.com.gh