Pangulong Rodrigo Duterte pinimarhan na ang bill para sa National ID system para gawing batas

Pangulong Rodrigo Duterte pinimarhan na ang bill para sa National ID system para gawing batas

- Kani-kanina lang ay pinirmahan na nga ng pangulo ng Pilipinas na si President Rodrigo Duterte ang bill para sa National ID system para gawing batas na ito

- Bawat Filipino citizen at resident alien ng bansa ay bibigyan ng isang "unique personal number" bilang valid proof of identity

- August 6, ngayong Lunes, ilang oras pa lang ang nakakaraan ay pinirmahan na nga ng pangulo ang Philippine National ID System (PhilSys) na kinunan live ng mga news source

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Unang naispatan namin ang balita sa Yahoo na galing sa UNTV ang anunsyo na pipirmahan na ni President Rodrigo Duterte ang National ID system bill para gawing batas.

At ito na nga ay ginanap na at naispatan namin sa isang YouTube video na binahagi ng ABS-CBN News mga apat na oras na ang nakakaraan.

Ayon sa nakuhang impormasyon ng KAMI sa mga news source, ang nasabing panukala ay para makapagbigay ng simpleng pamamaraan para sa public at private transactions ng bawat Filipino.

Sa ganitong paraan din daw ay hindi na kailan pang mapresenta ang mga Filipino ng ibang forms of identification.

Ito ay napapailalim sa naaangkop na mga hakbang sa pagpapatunay batay sa isang biometric na sistema ng pagkakakilanlan.

Ayon pa sa balita, ang nasabing Philippine ID ay dapat maglaman umano ng holder's PhilSys number, kompleto o buong pangalan, kasarian, blood type, place of birth, photograph, date of birth at address.

Magkakaroon din ito ng marital status pero ito raw ay magiging optional, ayon pa sa nakalakip sa balita.

Ang Philippine Statistics Authority o PSA, ang magiging pangunahing ahensya na magpapatupad sa nasabing panukala.

Maglilikha umano sila ng isang "unique and permanent idenfitication number" na ma-a-assigned sa bawat Pinoy o resident alien sa kapanganakan o pagrehistro.

Maglalaman din daw ito ng QR code na naglalaman ng "fingerprints information, iris scan, and other security measures."

Inaasahan daw ito na maimprove ang efficiency at transparency ng public services at pagpromote din daw ng madaliang transactions ng parehong private at public, ayon pa sa Presidential Spokesperson Harry Roque.

Binalita namin dito ang pag apruba ng 'Bicameral Conference Committee o Bicam' sa proposed ID system kamakailan lang.

At kanina nga ay pinirmahan na ni Pangulong Duterte ang nasabing bill para gawing batas.

Recently, our group did another social experiment, and this time, our aim is the safety of the children in public places.

How safe are they in public places?

Find out and learn how it ended with the video below.

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Jy Lin avatar

Jy Lin