Excited na ba kayo?! 8 Bagong TV programs na aabangan sa Kapamilya network

Excited na ba kayo?! 8 Bagong TV programs na aabangan sa Kapamilya network

Nagpalabas na umano ng listahan ng bagong TV shows o programs na aabangan sa ABS-CBN na una naming naispatan sa Lion Heart TV sa pamamagitan ng MSN.

Pinaghahandaan ng mga star creators o team production outfits gaya ng Star Creatives, Dreamscape PH, RSBD Drama Unit, and GMO Unit para sa mga upcoming series.

Ngayon, ibinabahagi namin dito sa KAMI ang listahan sa aming mga avid readers.

1. Starla

Handog ng Dreamscape PH ang soap opera comeback ng Teleserye Queen na si Judy Ann Santos-Agoncillo.

Ito ang kauna-unahang teleserye ng aktres sa Kapamilya network pagkatapos ng limang taon.

Sasamahan daw siya nina Anna Luna, Bodjie Pascua, Gabe Mercado, Janus del Prado, Kathleen Hermosa, at Simon Ibarra.

Makakasama din dito sina Jole Torre at Meryll Soriano.

2. The General's Daughter

Isang handog pa rin ng Dreamscape PH ang bagong teleserye na pinangungunahan ng Multi-awarded Action-Drama Actress na si Angel Locsin.

Isang powerhouse cast ang kasali, at ilan sa kanila ay sina Ryza Cenon, Eula Valdes, Tirso Cruz III, Janice de Belen, at Maricel Soriano.

Makikita naman na nagtraining na si Angel para sa bago niyang teleserye.

3. Magica Blanca

Sa isang Instagram video story umano ni Deo Endrinal ay napalista ang Magica Blanca bilang isa sa mga series ng Dreamscape at posibleng lalabas ngayong taon.

Wala pa daw mga detalyi tungkol dito, at ito ay pinangungunahan umano ng JaDine loveteam sina James Reid at Nadine Lustre.

4. Ngayon at Kailanman

Pagkatapos ng success ng kanilang pelikulang 'I Love You, Hater,' may bagong project na naman na gagawin ang JoshLia, at ito ay isang TV project.

Ayon pa sa post ng Star Creatives TV, bibida sina Joshua Garcia at Julia Barretto para sa kanilang unang lead teleserye together na pinamagatang Ngayon at Kailanman.

Nakaset na daw na ipalabas ang programa ngayong August 27, Lunes, kapalit umano ng Bagani.

5. Honey My Love So Sweet

Ayon pa sa mga bosses ng Dreamscape PH na sina Deo Endrinal at Eric John Salut ay may teleserye na gagawin ang MayWard.

Sa nasabing ABS-CBN FRX event ay shinare ng business unit head Erick Salud ang litratong ito kasama sina Maymay Entrata, Edward Barbers, at Mccoy De Leon.

May tentative title daw ito na Honey My Love So Sweet.

6. Halik

Mula naman umano sa RSB Drama Unit ang teleserye na ipalalabas na daw ngayong August 13, pagkatapos ng Bagani, Halik.

Ayon pa sa balita, ito daw ay unang pinamagatang 'Love Will Lead You Back,' na pinagbibidahan nina Jericho Rosales at Sam Milby at makakasama nila rito ay sina Yen Santos at Yam Concepcion.

Makakasama din nila sina Alan Paule, Amy Austria, Christian Bables, Cris Villanueva, Gab Lagman, Hero Angeles, at Lotlot de Leon.

7. Playhouse

Under naman sa GMO Unit, ang teleserye na pagbibidahan nina Zanjoe Marudo at Angelica Panganiban na pinamagatang Playhouse.

Makakasama nila rito sina Arlene Muhlach, Smokey Manaloto, Ariella Arida at Maxine Magalona, at ang DonKiss loveteam nina Donny Pangilinan at Kisses Delavin.

8. Precious Hearts Romances: Los Bastardos

Nagpost din ng bagong picture ang team ng RSB Drama Unit na shinare naman ng Precious Hearts Romances, at ito nga ay isang bagon teleserye sa nasabing programa na ang titulo daw ang Los Bastardos.

Excited na ba kayo?!

Did you miss our tricky questions? Check them out again in the video below and find out what questions you know, and get into the fun of our kababayans hilarious answers to these questions!

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Ang sipag nila! Celebrity stars spotted selling self-made products in a mall

Ang sipag nila! Celebrity stars spotted selling self-made products in a mall

Ang sipag nila! Celebrity stars spotted selling self-made products in a mall
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel