'Dragon Fruit Lady' ng Norte, inspirasyon ang anak na may cerebral palsy sa kanyang matagumpay na negosyo

'Dragon Fruit Lady' ng Norte, inspirasyon ang anak na may cerebral palsy sa kanyang matagumpay na negosyo

- Binahagi ni Edita Dacuycuy kung paano niya napagtagumpayan ang kanyang dragon fruit business

- Nagtanim lamang siya ng dragon fruit sa kanilang bakuran para matulungan daw ang anak na may cerebral palsy dahil nagkakaproblema daw ito sa pagtunaw ng pagkain

- Ngayon, kilala na si Edita bilang 'Dragon fruit lady of the North' dahil sa tagumpay na tinatamasa niya sa kanyang negosyo

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Lingid sa kaalaman ng karamihan, si Edita Dacuycuy ang utak ng pinakamakalaking produksyon ng dragon fruit business sa Ilocos Norte.

REFMAD o Rare Eagle Forest Marine Agricultural Development ang kauna-unahan at pinakamaliking planta ng dragon fruit sa bansa.

Nalaman ng KAMI na nagsimula lamang daw ito sa pagtatanim ni Edita ng dragon fruit sa kanyang bakuran. Ginawa niya ito para sa anak niya na may cerebral palsy at may problema sa digestion.

Napalago niya ang dating nagsimul lamang sa bakuran hanggang sa 30 ektarya ng lupain ngayon ay mayroon nang swimming pool na tila isang resort na tumatanggap na rin sila ng mga bisita.

Maari rin daw masaksihan ng mga bumibisita sa farm ang midnight blooming ng dragon fruit flowers, mamuhay sa farm at maging ang pagharvest ng mismong mga dragon fruit tuwing festival.

'Dragon Fruit Lady' ng Norte, inspirasyon ang anak na may cerebral palsy sa kanyang matagumpay na negosyo
source: supplied

Upang makasabay sa makabagong teknolohiya, humingi ng tulong si Edita sa OF-ReD. Ito ang nakatulong sa kanya na magkaroon ng produksyon ng dragon fruit kahit wala sa panahaon. Sa ganitong paraan, buong taon silang mayroon dragon fruit kaya patuloy ang paglago ng negosyo ni Edita.

Sa pamamagitan din ng makabagong teknolohiya na naibigay ng OF-ReD kay Edita, nakagagawa na sila ng ice cream mula sa dragon fruit at maging mga produktong pampaganda mula sa prutas na ito. "Wasteless product" daw talaga ang dragon fruit ayon kay Edita kaya naman swerte daw ito sa kanila.

Walang pagsidlan ng kaligayahan si Edita dahil alam niyang di lang pamilya nila ang natulungan ng kanyang dragon fruit business kundi maging ang mga kapwa niya Ilocano dahil sa trabahong mayroon sila sa kanila mismong lugar.

This episode is dedicated to a very important issue – the safety of our children. Filipino Kidnapping Social Experiment: Are Your Children Safe? | HumanMeter on KAMI youtube channel.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica