OFW na nagtrabaho sa Hong Kong sa loob ng 2 dekada, big-time negosyante na ngayon sa Ilocos

OFW na nagtrabaho sa Hong Kong sa loob ng 2 dekada, big-time negosyante na ngayon sa Ilocos

- Matapos ang 2 dekadang paninilbihan sa ibang bansa, naging matagumpay na negosyante naman si Lorlyn Sepaden

- Noong una ay nakakondisyon na siyang magtrabaho habang buhay sa Hong Kong ngunit kinailangan niyang umuwi para maalagaan ang kanyang anak na lalaki

- Ito ang naging dahilan niya para mag-isip ng pagkakakitaan dito sa bansa at di niya inaasahang lalago ang kanyang pinasok na negosyo

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Aminado ang dating OFW na si Lorlyn Sepaden na naka-kondisyon na ang kanyang sarili na manilbihan sa Hong Kong habang buhay. Maayos naman kasi ang kanyang trabaho roon at Maayos siyang nakakapagpadala ng pera sa kanyang pamilya na naiwan sa Pilipinas.

Hanggang dumating sa punto na kinakailangan niyang bumalik ng bansa upang alagaan ang kanyang anak na lalaki. Dahil sa ganitong sitwasyon, di na siya makababalik muli sa Hong Kong. Kaya naman naisip ni Lorlyn na pasukin ang pagnenegosyo.

Bagaman at may naipon namang sapat na pera si Lorlyn para simulan ang kanyang rice and grains trading business, humingi pa rin siya ng tulong sa tinatawag nilang OF-ReD project para mas maging matatag ang pundasyon ng kanyang negosyo.

OFW na nagtrabaho sa Hong Kong sa loob ng 2 dekada, big-time negosyante na ngayon sa Ilocos
source: supplied

Gaya ng naunang naikwento ng KAMI na si Carolyn Garaza, di rin inaasahan ni Lorlyn na lalago at magiging matagupay ang kanyang negosyo.

Pinasok rin niya ang commercial lending business kung saan natutulungan pa niya ang kanyang mga kapitbahay na mga magsasaka. Sila ang mga pinagkakatiwalaan ni. Lorlyn na mga kliyente.

labis na kasiyahan ang nadarama ngayon ni Lorly. Bulod kasi sa matagumpay niyang negosyo, nakaktulong pa siyang magkaroon ng pagkakakitaan ang kapwa niya. At syempre, nagagawa niya ang lahat nang ito kasama ang kanyang pamilya.

Kaya naman ang payo niya sa mga kapwa niyang OFW, siguraduhing may ipon sila nang sa gayon, pag dumating araw na babalik na sila sa Pilipinas, makakapagtayo pa sila ng sarili nilang negosyo upang patuloy pa rin ang pasok ng pera sa kanilang pamilya.

This episode is dedicated to a very important issue – the safety of our children. Filipino Kidnapping Social Experiment: Are Your Children Safe? | HumanMeter on KAMI youtube channel.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica