Buntis na asawa ng seaman, idinitalye kung paano siya inabanduna ng mister

Buntis na asawa ng seaman, idinitalye kung paano siya inabanduna ng mister

- Buong tapang na isiniwalat ng misis ng isang seaman kung paano siya nagawang iwan ng asawa sa kabila ng kanyang maselan na sitwasyon

- Aminado ang misis na maluwag siya sa mister at buo ang tiwala niya rito

- Napakasakit para sa misis na wala manlang iniwan ang kanyang mister sa kanya at kahit daw sa kanilang mga anak manlang

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Binahagi ng isang misis kung paano sila iniwan ng kanyang mister na isang seaman sa kabila ng maselan niyang kondisyon dahil siya ay buntis.

Nalaman ng KAMI na ang hindi 'nagger' ang misis na ito at masasabi niyang naging maluwag siya sa kanyang mister at buo ang tiwala niya rito.

Kaya naman di akalain ng buntis na misis na ito na mauuwi sa hiwalayan at iwanan ang kanilang pagsasama dahil masyado siyang naging kampante na di siya magagawang lokohin ng kanyang mister.

Narito ang kabuuan ng kanyang kwento na nakakadurog talaga ng puso.

Hi,

Hello admin kindly post this, actually itong story ko napost na kahapon sa SEAMAN GF CONFESSION. May mga nagsabi kasi na ishare ko din dito at malamang member din dito ung kabet ng mister ko.

Buntis na asawa ng seaman, idinitalye kung paano siya inabanduna ng mister

source: supplied

Nakilala nya ang kabet nya sa Seaman Gf Confession. Iniwan kame ng Marino ko at sumama dun sa babaeng nakilala nya dito sa kabila ng 6 na buwang pag dadalang tao ko at pagkakaron namin 2 years old na anak. Ang asawa ko po ay 2/e ang ranggo. OK naman kame mag asawa. Buo ang tiwala ko sa kanya. Ako ang sumusundo pag nauwi sya at ako din ang naghahatid. Di ako nagger na tulad ng iniisip ng ibang nagcomment kahapon. Sabi nga ng mga kaibigan ko MAS MADALAS maloko ang masyadong mabaet kesa sa Nagger. Di rin ako mahigpit sa lahat ng bagay. Di ako matanung at mausisa sa mga bagay na gagawin nya dahil buo ang tiwala ko.

Hanggang sa mabuntis nya ulit ako. Dalwang buwan ang tiyan ko noong nalaman ko na nagdadalang tao ako sa bunso namin at kasalukuyang nasa barko sya noon halos kakaalis lamang nya ng pinas. Hanggang nitong April nagulat ako biglaan syang umuwi. Bigla bigla syang sumulpot sa bahay. Di nagpasundo at di nagpaalam na uuwi. Tinanung ko bakit biglaan ang uwi mo? Bat d k nagpasundo. Mag changed manning/crew daw ang barko nila. Kesyo kaya daw di na sya nagpasundo kasi buntis daw ako. Kampante ako sa dahilan nya dahil valid naman. Siguro nag aalala lang sakin. Hanggang sa mapansin ko sa maleta nya ang ilang product na nagtataka ako panu at bakit meron sya noon? MGA PASALUBONG na mabibili sa Pinas. Bongbong's Piaya, otap, shepherd's pilinuts at halayang ube.

Nagtaka ako at mahinahon ko naman syang tinanung tungkol dun. Kesyo bigay daw yun ng mga bagong sampang crew na pinalitan sila. So ako tiwala kaya nakumbinsi. Hanggang sa napapansin kong lage sya nakatutuk sa cp nya. Naiyak na panganay namin pero sya busy pa din sa cp nya. Di naman sya ganun. Minsan magigising ako makikita ako ng dis oras ng gabi nailaw pa cp nya at nagtetext pa sya. Nagsimula ako maghinala. Iba ang pakiramdam ko. Medyo nag bago sya. Noon pag nauwi sya sabik na sabik sakin. Ngaun Hindi na. Kesyo buntis daw ako makakasama sakin pag ginalaw ako.Si baby daw inaalala nya. May malimit ako nakikita na tumatawag sa kanya. Minsan nasa banyo sya ng nagring ang cp nya at ang nakalagay na pangalan ay PARENG ALOY. At dahil nasa cr sya ako na ang sumagot.

Nagulat ako boses ng Babae ang bumungad sakin. Casual na casual syang naghello kung ako daw ba ang asawa ni Reynald. Sabi ko Ou maski medyo nagtaka ako bakit Babae ang boses gayong PARENG ALOY ang nakaphonebook sa cp ng asawa ko. Kesyo asawa daw sya ni ALOY kasamahan ng mister ko ang asawa nya sa barko. Tatanung lang daw nya SAAN SILA MAGKIKITA dahil nagddrive daw ang mister nya kaya sya ang pinatawag. So ako sabi ko tawag na lang sya uli at nasa banyo ang mister ko. At nang lumabas na ang asawa ko. Sinabi ko na tumawag ung PARENG ALOY nya at sinagot ko. Nabigla ako ng hinatak nya sa kamay ko ang cp at pasigaw na sinabi sakin na BAKIT NANGANGAILAM ka ng tawag ng may tawag? Sinabi ko ba sayo na sagutin mo? Di ko alam san nya hinugot ang galit nya sakin. Di ganun ang asawa ko.

Simula noon napapadalas na ang pagiging mainitin ng ulo nya. Pati sa anak naming panganay. Lalo na pag gusto ng anak ko makipag laro sa kanya. Lagi nya sinasabing Hailey dun ka nga, pumunta ka sa Mommy mo wag mo ako istorbohin. Hanggang sa isang gabi habang mahimbing sya natutulog nang may marinig akong tunog. Ring ng call sa messenger. Tiningnan ko cp nya pero di yun ang natunog. Tiningnan ko cp ko pero hindi rin un. Nagtataka ako kaninung cp at sa kwarto lang namin nagmumula ang tunog. At dun ko nakita na mukhang sa ilalim ng kama namin nagmumula ang tunog.

Isang cp. Ngaun ko lang nakita. At nakita kong may missed call sya sa messenger. Isang dummy account ang nakalogin dun at may tumatawag na ALONA M. Pumunta ako sa banyo at dun ko kinalkal lahat ng messages na nasa dummy account na un. Puro mga SEAMAN HUNTERS mula sa page nang Seaman Gf Confession ang nakikita ko na kachat ng asawa ko. May bata pa edad 24, may mga biyuda na, may mga iniwan din ng asawa at karamihan sa mga nagcchat sa asawa ko ay mga DH na nangungulila galing iba't ibang bansa. Hongkong, Singapore, malaysia, middle east. At ang pakilala ng asawa ko SINGLE sya at niloko din ng asawa kaya naghahanap sya ng panibago.

Buntis na asawa ng seaman, idinitalye kung paano siya inabanduna ng mister

source: supplied

Nasaktan ako sa nabasa ko. Kelan ko pa niloko ang mister ko? Halos nakakulong na nga kame magina sa loob ng bahay. Ni ayaw nya ako magttrabaho dahil gusto nya pag mababa sya ng barko ay nakafocus ako sa kanya at sa anak namin. May mga nakita din ako screenshot ng video call sa ilang mga babaeng malamang dito nya nakilala ung iba halos nakabra lang. Yung isa nakatayo na sobrang iksi ng short at karamihan sa kanila ay mga taga Singapore. Pero mas tumatak sa isip ko si Alona. Dun ko nalamang 39 na sya, isang DH at sa Singapore nagttrabaho. May tatlong anak hiwalay sa asawa. At naging sila ng asawa ko. Mas matanda si Alona sa asawa ko ng dalwang taon at sa SG palang pag may byahe ang mister ko ay nagkikita na sila. Hanggang sa nitong umuwi si Alona ng pinas ng March, magnenegosyo na lang daw sya dito at di na aalis pa. Sya din pala ang sumundo sa asawa ko sa airport nitong April.

Dumating ang asawa ko noong April 4 2018 pero umuwi sya samin ng April 20, 2018 sa bahay. Dun ko din nakita at nabasa na ung mga pasalubong na dala dala ng Mister ko sa bagahe na produktong Pinas ay si Alona ang bumili. Binili nila ng asawa ko ng mag bakasyon sila sa Baguio. Iyak na iyak ako noon sa Totoo lang. Anu ba ginawa ko? Saan ako nagkamali? Eto pa ba ang reward na mapapala ko sa asawa ko sa kabila ng pag aaruga at tiwalang binigay ko.

Kinabukasan hinayaan ko ang cp nya na nakalagay sa ibabaw ng unan ko. Wala akong imik pero namumugto ang mga mata ko nung nagising sya nung umaga. Di rin sya umiimik dahil alam na nya na nabasa at nalaman ko na ang lahat. Inasikaso ko pa din sya, pinag hain ng almusal, pinaglaba, maski ang sama ng loob ko. Hanggang sa kinausap nya ako. Nangako na makikipag hiwalay na sya. Muli nagtiwala na naman ako. Hanggang sa magrenew sya ng training. 1 week sya nakatransient. At nang umuwi sya ay okey naman. Naging malambing, bumalik kame sa dati. Nawala pagiging mainitin nya ng ulo lalo sa anak namin. Hanggang sa muling tumawag si PARENG ALOY. Ayoko sagutin dahil natrauma na ako ng magalit sya sakin ng minsan kong sinagot ang tawag. Naglilinis ng sasakyan sa garage noon si mister. Hanggang sa nagtext si PARENG ALOY at dun ko nabasa na. HONEY NAIWAN MO LAST WEEK YUNG RELO MO. BAKA HANAPIN MO, NANDITO PO BAHAY. TINABI KO NA PO. at dahil dun tinawagan ko ung PARENG ALOY nagbabaka sakali ng nawrong send lang sa asawa ko. Pero tulad ng una babae pa din ang sumagot. Sya ang una nagsalita.

HELLO PO HONEY. Halos madurog ang pagkatao ko noon. Nagwala na ako. Sinaktan q na sarili ko sa harapan nya. Iisa lang pala si Alona at si Pareng Aloy. Halos sabunutan suntukin ko sarili ko. Di ako maramdam ng gutom noon at antok sa mga nalaman ko. Pero sinabayan nya ng init ng ulo. Nagalit din sya maski wala sya karapatang magalit sakin. Nagempake sya. Mula mga damit, sapatos at papeles nya. Lahat lahat nilagay nya sa kotse. Iyak ng iyak ang panganay namin noon. Niyayapos ko si Hailey. Pilit kumakawala sakin ang anak ko at humahabol sa daddy nya. Pero ni lingunin at kargahin nya ang anak namin ay di nya magawa. Walang imik na iniwan nya kame magina. At dun ko din nalaman na pati passbook at ATM ng bank acct nya sa savings namin ay dinala nya. May ipon ako, May ipon kame pero dinala din nya. Walang natira samin magina. Tungkol naman sa luho? ako na yata ang asawa ng seaman na halos di na rin halos makabili ng bagong damit. Dahil inuuna ko bayaran ang sasakyan, tubig, kuryente, gatas ni Hailey na noon ay Promil Gold pa at the rest ay ipon namin. Baka isa ito sa inayawan ng asawa ko sakin.

Napabayaan ko sarili ko at ibinigay sa kanila ang lahat ng oras ko. Bagsak n bagsak ang mundo ko mas bagsak pag nakikita ko anak namin.Isang buwan na ang lumipas ng umalis sya. Lage sya hinahanap sakin ng anak namin. Sabi ko NASA barko si Daddy. Pero sa loob loob ko sana nga NASA BARKO LANG si DADDY at wala sa kandungan ng iba. Noon ako ang nakakapag pautang sa mga kaibigan ko. Ngaun ako na ang pinapautang pangkain namin magina araw araw. Noong baby sya S26 naging Promil Gold ngaun maski Milo na lang makadede lang ang anak namin. Minsan pa nga isang sachet ng milo ay dalwang timpla na ang ginagawa ko mairaos lang ang anak ko.

Noon private hospital ako mag pacheckup sa baby ko sa tiyan. Ngaun center na lang. D ko magampanan yung mga advice ng midwife skin sa center magpa HIV test, Urinalysis, CAS at ultrasound dahil sa Totoo LNG wala akong pera. Pumunta ako sa agency ng asawa ko pero magfile n daw ng separation paper si Mister. Nag resigned na daw dlwang linggo na nakakalipas. Pinuntahan ko ANG mga byenan ko pero magng sila ay walang balita sa asawa ko. Hinanap at nagchat ako sa mga kaibigan at ktrabaho nya pero Seen lang ako o di kaya WALA DAW SILANG ALAM SA NANGYAYARI. Maeedad na ang byenan ko katulad ng inay ko kaya di ko na dn malapitan ng tulong. Nakita ko pa minsan na nagpost ng picture nila si Alona ng aking asawa na mag kasama kumakain na may caption na FINALLY HE'S MINE.

Sa mga nagtanung bat di ko ni screenshot para ebidensya. Wala po ako sa loob noon na humanap ng ebidensya dahil ang iniisip ko baka bumalik pa ang asawa ko samin, pero ngaun mukhang Malabo na. Noong nabagyo ng Henry, awang awa ako samin magina. Brownout at dlwa lang kame. Takot na takot ang anak ko sa lakas ng ulan. Nagliligalig. Takot na takot na din ako noon pero tinatapangan ko. Siguro kung nandito lang asawa ko di kame ganito. Pero wala NASA ibang babae na.

Ngaun po nakadeactivate ang acct ng mister ko at ng kabet nya. Di ko na din makontak ang number ng asawa ko. May mga nagoffer ng tulong samin magina sa post ko kahapon sa kabilang page.Sinubukan ko na ipm sila. Pero nagduda ako. MGA TAGA SINGAPORE. Nagusisa, nagpasend ng picture ng asawa ko. Pero Hindi naman sila tumulong. Sa mga taga SG dito kung kilala nyo man si Alona Munoz, kung kaibigan nyo man Nakikiusap PO ako pakisabi sa kanilang dlwa. Mga anak ko na lang sana suportahan nila. Kung di lang ako buntis ngaun at may kakayahan magttrabaho. D na sana ako maghahabol pa. Maawa naman kayo.

Ang anak ko, iyak ng iyak sa gabi. Limitado ang pagdede, nagugutom. Sana naman maawa kayo. Nakakasira kau ng pamilya. Wag na lang ako, kaya ko pa pero ang mga anak ko kailangan ang DADDY nila. Naghihintay pa ako sa asawa ko para bumalik samin. Pero gustong gusto ko na magfile ng kaso sa Pao saka ko irereklamo sa POEA para mablocklist. Naghihintay pa ako, baka makapag isip isip pa sya.

Ayoko din naman masira ang career ng asawa ko. Sa mga SEAMAN HUNTERS jan pls naman maawa kayo sa mga anak namin. Buhay na ng bata ang sinisira nyo. Madame pa namang lalaki dyan

Ang seaman tandaan nyo mapera lang yan pagka nasa barko pero pagka nandito sa pilipina wala na yan. Salamat po.

This episode is dedicated to a very important issue – the safety of our children. Filipino Kidnapping Social Experiment: Are Your Children Safe? | HumanMeter on KAMI Youtube channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
Bahay o resort? Willie Revillame's hilltop Tagaytay mansion stuns netizens with its breathtaking beauty

Bahay o resort? Willie Revillame's hilltop Tagaytay mansion stuns netizens with its breathtaking beauty

Bahay o resort? Willie Revillame's hilltop Tagaytay mansion stuns netizens with its breathtaking beauty
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel