Naalala niyo pa siya? Netizen, nagbabala sa pagbabalik 'modus' ng matanda na naghahanap daw ng blood donor
- Makailang beses nang napabalita ang modus ng isang lola na lalapit sa kung sino lamang tao upang tanungin kung sila ay blood donor
- Magaling daw umarte ang matanda at mapapaniwala ka talagang kailangan nito ang blood donor ngunit ito raw ay scam dahil miyembro raw ito ng isang sindikato na kumukidnap daw sa sino man ang makumbinsi ni lola
- Namataan naman ang matandang babae sa Origas dahil dati raw itong nasa Makati at Pasig
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Isang netizen ang nagbahagi ng larawan ng isang lola na minsan nang nanggimbal sa atin dahil sa kanyang modus kung saan naghahanap daw ito ng blood donor para raw sa kanyang anak.
Nalaman ng KAMI na Taong 2014 pa nang unang napabalita ang matandang babae na ito na kahina-hinala ang paghingi ng tulong sa kung sino sinong tao lamang.
Una raw itong namataan sa Makati. Base sa mga kwento nang kanyang nakakausap, una raw itong tatanungin kung blood donor ka ba, at pag sinabi mong oo, dito na magsisimulang pumatak ang kanyang luha at magmamakaawa na ikaw ay sumama dahil kinakailangan na raw masalinan ng dugo ang kanyang anak na nasa ospital.
https://www.wheninmanila.com/mother-begs-for-blood-donation-truth-or-scam/
Buti na lamang at wala pang napabalitang nakumbinsi ng matanda dahil ito raw ay isang scam kung saan ang kanyang makukumbinisi ay isasama niya sa mga kasama nitong sindikato at ang biktima ay makikidnap na.
Ayon sa post ng netizen ni Rochelle Guetan-Tamundong, muling naghahanap ng mabibiktima ang matanda at ngayon naman ay nasa Ortigas na ito.
Laking gulat ni Rochelle, dahil matapos na mapabalita ang ginagawa ng lola ay patuloy pa rin pala ito sa kanyang modus at pareho pa rin ang kanyang linya ng paghahanap ng mabibiktima.
Kwento pa ng ilan sa mga nakausap na ng matanda, ang nakapagtataka rito, kapag binibigay na raw kay lola ang ideya na lumapit na sa Red Cross o sa mga TV networks ay umaalis na raw ito at sinasabing maghahanap na lamang daw siya ng ibang donor dahil nasubukan ma raw niyang dumulog sa mga ito ngunit di raw siya natulungan.
Totoo man o hindi ang modus na ito ni lola, ibayong pag-iingat na lamang sa ating mamayan. Minsan, sa kagustuhan nating tumulong ay tayo rin ang napapahamak.
This episode is dedicated to a very important issue – the safety of our children. Filipino Kidnapping Social Experiment: Are Your Children Safe? | HumanMeter on KAMI Youtube channel.
Source: KAMI.com.gh