"Oldest person" ng Guinness World Records pumanaw na
- Nakakalungkot na balita ang aming nalaman kamakailan lang at ito ang pamamaalam ng "oldest person" ng Guinness World Records
- Pagkatapos na kilalanin ng nasabing respetadong organisasyon si Miyako Chiyo bilang ang pinakamatandang tao na buhay at pinakamatandang babae na buhay ay namaalam ang matanda
- Ayon sa balita, mula mismo sa Guinness na pumanaw noong Linggo, July 22, 2018 ang matanda sa edad na 117
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Unang naispatan namin ang ulat sa When In Manila na orihinal na lumabas sa official website ng Guinness World Records.
Ayon umano sa Japan's Health Ministry, pumanaw si Miyako Chiyo sa edad na 117 noong Linggo, July 22, 2018.
Ito ay pagkaptaos kilalanin na siya ng Guinness na pinakamatandang tao na buhay at pinakamatandang babae na buhay.
Sa nalaman ng KAMI, si Chiyo ay pinanganak noong May 2, 1901, sa Wakayama sa rehiyon ng Kansai sa Japan.
Dagdag pa sa balita, ang insaktong edad ng kanyang pagkamatay ay 117 years 81 days old.
Sa napag-alaman namin sa Guinness, hilig pala ni Chiyo ang calligraphy na isang bagay na sinimulan niyang natutunan noong bata pa siya, at gumagawa ng calligraphic works hanggang kamakailan lang.
Ang kanyang ibang hilig ay ang pagkain ng masasarap na pagkain at ang paborito daw niya ay sushi at igat.
Ani din ng Guinness na nilalarawan si Chiyo ng kanyang pamilya bilang pasyente, mabait at dyosa ng kasiglahan na nagdadala ng kaligayahan sa mga tao sa paligid niya.
Pero tila hindi nakilala pa ng organisasyon si Lola Fatima Sancula na 121 years old na nagtrending dahil sa kanyang pagbisita kay Kuya Wil, Willie Revillame sa Wowowin mga dalawang linggo na ang nakakaraan.
Did you miss our tricky questions? Check them out again in the video below and find out what questions you know, and get into the fun of our kababayans hilarious answers to these questions!
Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel
Source: KAMI.com.gh