Vhong Navarro, emosyonal sa hatol kina Cedric Lee at Deniece Cornejo
- Nahatulang guilty sina Deniece Cornejo at Cedric Lee sa kasong grave coercion na isinampa ni Vhong Navarro
- Naging emosyonal ang actor dahil sa naging hatol ng korte sa mga akusado
- Ito ay kaugnay sa insidenteng pambubugbog, paggapos, at pananakot kay Vhong ng grupo nina Cedric at Deniece sa condominium unit ni Deniece sa Taguig
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Naging emosyunal si Vhong Navarro nang mabalitaang guilty ang naging hatol sa kasong grave coercion na isinampa ng aktor laban kina Cedric Lee, Deniece Cornejo, at Jed Fernandez sa Metropolitan Trial Court, Taguig Branch 74.
Ito ay kaugnay sa insidenteng pambubugbog, paggapos, at pananakot kay Vhong ng grupo nina Cedric at Deniece sa Taguig City noong January 22, 2014.
Sa sunod sunod na tweets ni MJ Felipe, isang ABS-CBN entertainment reporter, ibinahagi nito ang naging reaksiyon ni Vhong sa balita.
Nakausap umano ni MJ si Vhong sa telepono dahil ito ay kasalukuyang nasa U.S. para sa pagtatanghal ng It's Showtime.
Sa text message ni MJ sa PEP.ph, sinabi nitong nakausap niya sa telepono si Vhong, na
“Sobrang saya kasi ito yung justice na hinihintay natin, e.
"Parang bumabalik sa alaala ko yung mga pinaggagawa sa akin, pwersahan kang pinapirma sa hindi mo naman kagustuhan, tinakot ka, sinaktan ka, binantaan ang pamilya mo, tinutukan ka ng baril."
Malaki ang pasasalamat ni Vhong at lumabas ang katotohanan at nabigyan siya ng hustisya.
“Nakikita ko yung justice system sa Pilipinas, sa atin, dahil talagang hindi ako pinabayaan.
"Yung mga taong nagdasal, sumuporta, patuloy na nagmahal sa akin. Yung legal team ko na matiyagang tumutok sa kasong ito for five years.”
Ayon pa kay Vhong, maari din mangyari sa iba ang nangyari sa kanya.
“Kung nagawa sa akin, pwede ring gawin sa iba, di ba?
“Masakit na pagbibintangan ka na nang r4pe ka ng tao, at dito makikita na unti unti nang lumalabas ang katotohanan.”
May kaso pang isinampa si Vhong sa kampo nila Cedric, ang serious illegal detention at perjury.
Matatandaang naging usap-usapan ang umano'y pagtangka ni Vhong na gahasain si Denice Cornejo kaya daw binugbog ito ng kampo ni Cedric Lee. Dinala nila ito sa presinto ngunit pinilit daw siyang pirmahan ang affidavit.
Samantala, sa naunang ulat ng KAMI, may mga banta umano sa buhay ni Vhong.
POPULAR: Read more about Vhong Navarro here
Filipino Kidnapping Social Experiment: Are Your Children Safe? | HumanMeter
This episode is dedicated to a very important issue – the safety of our children. Today, we are going to check if parents teach their kids not to talk to strangers.
Do children know the basic safety rules or a stranger can easily take them out of a playground?
Click “Play” to watch this new episode of HumanMeter Social experiment.
Source: KAMI.com.gh