93- taong gulang na lola, matiyagang inaalagaan ang apo sa tuhod na may kapansanan

93- taong gulang na lola, matiyagang inaalagaan ang apo sa tuhod na may kapansanan

- Di magawang iwan ni Lola Catalina Santos ang apo niyang may kapansanan na si Cassandra

- Maghapon lamang silang nasa bahay ng apo na iniwan na lamang sa kanya ng mga magulang nito

- Mahal na mahal niya ang apo niya sa tuhod na si Cassandra dahil wala nang ibang mag-aaruga at magmamahal dito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sino ba ang di madudurog ang puso sa kalagayan ng maglola na sina Lola Catalina at apo nito na si Cassandra na maghapong magkasama sa kanilang munting barong-barong sa Pampanga.

Nalaman ng KAMI na 93-taong gulang na pala si Lola Catalina ngunit di mo ito kakikitaan ng panghihina pagdating sa pag-aalaga ng kanyang apo sa tuhod.

Sino ba naman ang di madudurog ang puso sa kalagayan ng maglola na sina Lola Catalina at apo nito na si Cassandra na maghapong magkasama sa kanilang munting barong-barong sa Pampanga.

5-taong gulang na si Cassandra ngunit di pa rin ito nakapagsasalita. kahit ano raw hilot ni Lola Catalina, nakabaluktot parin daw talaga ang mga kamay at paa ng apo. Kaya naman kahit mahina na ang pangangatawan ni Lola Catalina dala ng katandaan, pilit pa rin niyang binubuhat si Cassandra lalo na pag ito'y umiiyak. Mahirap man daw, inilalabas din niya ito sa kanilang bahay para mahanginan.

Sila lang talaga ang magkasama maghapon dahil ang isang anak ni Lola Catalina na si Antonio ay nagtatrabaho maghapon.

Dagdag pa sa kanyang katandaan, ang sitwasyon ng kanilang lugar kung saan tumataas ang tubig, walang magawa ang maglola kundi ang lumabas at sumilong.

Kwento ni Lola Catalina, iniwan na lamang daw si Cassandra ng mga magulang nito at isang beses na lamang sa isang taon ito dinadalaw ang bata.

Kaya naman di raw mapagilan ni Lola Catalina na magtampo at sumama ang loob sa mga magulang ni Cassandra. Kung mahal daw nila ang bata, di nila ito iiwan at matitiis.

Dala ng katandaan, marami na rin daw iniisip si Lola Catalina, pero ang di niya magagawang isang tabi ay ang pag-aalaga, pagmamahal, at pag-aaruga sa apo niyang si Cassandra.

This episode is dedicated to a very important issue – the safety of our children. Filipino Kidnapping Social Experiment: Are Your Children Safe? | HumanMeter on KAMI Youtube channel.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica