Lalaki na minura at dinuro ang nakaalitang sekyu sa parking, patay sa pamamaril ng guwardiya

Lalaki na minura at dinuro ang nakaalitang sekyu sa parking, patay sa pamamaril ng guwardiya

- Napuno na raw ang gwardiya na nakaalitan ng lalaking nakilalang si Albert So sa parking ng isang condominium

- Ayon sa guwardiya ng gusali na si Joel Baet, minuramura, dinuro duro raw siya ni Albert at hinahamon pa raw siya na kung talagang matapang siya ay iputok niya ang baril

- Humaharap ngayon sa kasong murder si Joel sa pagpatay kay Albert at serious physical injury naman sa mga nadamay na 4 pang taong sugatan sa insidente

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa video na kuha ng CCTV ng isang condominium makikita kung paano sinugod ng lalaking si Albert So ang guwardiya ng gusali na si Joel Baet.

Nalaman ng KAMI na alitan di umano sa parking ang pinagmulan ng away ng dalawa. Sa tuwing malilingat kasi ang sekyu ay nililipat ni Albert ang kanyang motor sa lugar na gusto na niya na siya namang pinagbabawal ng condominium.

Kaya naman nang lumabas muli si Joel para sitain si Albert, mura at panduduro ang natamo nito mula sa lalaking may-ari ng motor.

Bukod dito, sinabihan pa raw ni Albert ang sekyu na duwag at kung talagang matapang siya, ay paputukin daw nito ang kanyang baril.

Marahil, nagdilim na ang paningin ni Joel kaya naman tinatayang 7 putok ng baril ang napakawalan niya kay Albert.

Nagawa pang bumangon ng biktima ngunit kalaunan ay tumumba na rin ito. Sa kasamaang palad, dalawang menor de edad din ang nadaplisan ng bala, isang sekyu sa kabilang gusali at isang pedestrian.

Matapos pakawalan ang mga putok tumakbo palayo si Joel ngunit nahabol ito ng mga tanod. Humaharap ngayon sa kasong murder, serious physical inury at physical injury ang security guard.

Payo ng pulis, huwag daanin sa init ng ulo ang lahat ng bagay. Maging kalma at mag-isip ng tamang solusyon para di humantong sa krimen ang dapat ay maliit na pagtatalo lamang.

This episode is dedicated to a very important issue – the safety of our children. Filipino Kidnapping Social Experiment: Are Your Children Safe? | HumanMeter on KAMI Youtube channel

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel