Fil-Am Cleveland Cavs na si Jordan Clarkson posibleng makasali sa Gilas Pilipinas sa Asiad

Fil-Am Cleveland Cavs na si Jordan Clarkson posibleng makasali sa Gilas Pilipinas sa Asiad

- Malakas ang posibilidad na makasali sa listahan ng 18-man line-up ang Filipino-American Cleveland Cavaliers guard na si Jordan Clarkson

- Sa wakas ay malaki ang chansa na magrerepresent ang 26-year-old na Cavs sa kulay ng Pilipinas sa 2018 Jakarta Asian Games

- Ang nasabing Asiad ay mangyayari na ngayong August, at nasali daw ang NBA player sa line-up ng koponan ng Pinas

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ito nga ang balita na nasagap namin sa Rappler, na ang Fil-AM Cleveland Cavs point guard/shooting guard na si Jordan Clarkson ay sa wakas may chansa na iwagayway ang kulay ng Pilipinas sa darating na Asiad , 2018 Jakarta Asian Games ngayong Agosto.

Ayon pa sa president ng Philippine Olympic Committee na si Ricky Vargas, si Clarkson ay kasama sa men's basketball 18-man line-up na isinumite sa Asiad organizers para sa koponan ng Gilas Pilipinas.

Nalaman pa ng KAMI na sinabi ni Vargas na nandoon daw sa listahan ang Fil-AM NBA player at interesado talaga sila na imbitahan si Jordan.

Ngayon daw ay nasa proseso pa ang Samahang Basketbol ng Pilipinas sa management ng Cleveland Cavaliers team tungkol sa pagrelease sa Fil-AM na manlalaro.

Mayroon naman daw Filipino passport si Jordan Clarkson at bitbit niya ito simula 12 years old pa lang siya kaya hindi na umano niya kailangan na dumaan sa naturalization process.

Kung papayag daw si Clarskon na sumaili, malaki ang posibilidad na siya ay ang magiging flag-bearer ng delegasyon ng Pilipinas sa opening ng Jakarta Asiad.

Ang mga pangalan umano ay isinumite na sa POC na kasama ang dalawang "core" ng Rain or Shine PBA squad at dalawang mataas na players daw, at ifoforward na nga daw ito sa Indonesia.

In our recent social experiment, we've asked some of our netizens about what it is like being single?

Find out what our millennials now have in mind with the word "single."

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Jy Lin avatar

Jy Lin