Direk Dominic Zapanta, bumirada laban sa bashers ng latest seryeng "Victor Magtanggol"
- Sobra ang pagka-frustrated ni Direk Dominic Zapanta sa bashers ng latest primetime serye ng GMA, and Victor Magtanggol
- Huwag daw ugaliin ang pagboycott ng sariling atin dahil lamang sa isang tingin kaagad
- Aniya, maraming umaasa sa proyekto, hindi lamang siya at mga aktor, kundi ang buong production staff at crew sa likod ng palabas
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Nagpahayag ng pagkainis at pagkabahala si Direk Dominic Zapanta ng GMA matapos ang sunud-sunod na pagpuna at pambabatikos sa latest serye nitong Victor Magtanggol na pinagbibidahan ni Alden Richards.
Napag-alaman ng KAMI na ang sikat na direktor ay nababahala dahil maaaring magresulta ito umano sa tuluyang pagkawala ng interes ng mga manonood sa Victor Magtanggol. Baka raw ito's hindi magtagal sa ere.
Sa kanyang naging pahayag, hindi raw maganda na sariling kababayan ang tumitira [pumupuna] sa gawang Pilipino.
Sa nakaraang report ng KAMI, ikinainis ng GMA exec na si Annette Gozon ang isang magazine review ng Esquire sa Victor Magtanggol na ikinumpara sa 'Thor' character ng Marvel.
"Nafru-frustate ako kasi nung ginawa 'yan ng Marvel, hiniram lang nila yan sa Norse Mythology, tinira ba sila? Tinira ba sila ng Pinoy? Hindi. Pero nung tayo gumawa sarili natin titirahin natin, pareho lang tayo nanghiram sa Norse culture. So, bakit tayo ganun sa sarili natin?"
Aniya, hindi niya raw bibiguin ang mga manonood sa isang proyekto na pinagkatiwalaan siyang gawin kasama ang iba't ibang malalaking artista sa channel 7.
"We are only trying to make an honest living and we will not shortchange you with something that’s trash. It’s quality work, so give it a shot."
Giit pa ng direktor, hindi lang naman daw siya ang dumedepende sa Victor Magtanggol bilang isang kabuhayan. Mas marami pang mga tao ang umaasa rito.
"Dalawang daang tao po ang umaasa sa kanilang programa para mayrun po silang kikitain, may madala silang hanapbuhay for the next three to four months. Hoping five months maybe even six months ganun po ‘yung industriya namin… So every time po na gusto n’yo mang-bash ng show and make people not watch that please remember that this show represents not only individuals, but their families as well," ayon sa panayam ng GMA Network.
Si Director Dominic Zapanta ang sikat na direktor sa likod ng mga malalaking teleserye ng GMA gaya ng Darna na pinagbidahan ni Marian Rivera, Alyas Robinhood ni Alden Richards, Captain Barbell ni Richard Gutierrez, at My Husband's Lover ng love team na Dennis Trillo at Tom Rodriguez.
POPULAR: Read more about Alden Richards here!
How do single people live? Do they suffer from loneliness, or are they truly happy without a romantic relationship? We have picked the most interesting Twitter posts about people who are not in a relationship right now. Let’s find out how they feel about it. – on KAMI HumanMeter Youtube channel!
Source: KAMI.com.gh