Robin Padilla, ipinaliwanag kung bakit ayaw niyang maging isang senador

Robin Padilla, ipinaliwanag kung bakit ayaw niyang maging isang senador

- Maraming Pilipino ang gustong tumakbo si Robin Padilla sa pagka-senador

- Inamin ni Robin na wala siyang balak maging pulitiko

- Inisa-isa ng action star ang mga kadahilanan kung bakit mas gusto niyang maging artista na lang

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Kilala si Robin Padilla bilang isang makabayan at matulunging aktor. Dahil dito, marami ang naghahangad na siya ay tumakbo bilang isang senador.

Nalaman ng KAMI na ipinaliwanag ni Robin kung bakit ayaw niyang maging isang pulitiko.

Ayon sa interview ng action star sa PUSH, kailangan niya ng mas malaking sahod dahil malaki ang pangangailangan ng kaniyang pamilya.

“Ang pulitika kasi hindi niya maibibigay ang kinikita ko. Kasi hindi naman ako papasok sa isang trabaho na yung mga anak ko nag-aaral sa abroad. Pag ako ginawa mong senador magkano lang ang suweldo nun. Uuwi yung lahat ng anak ko dito. Magagalit sa akin yun. Sasabihin nila, ‘Anong nangyari?’” sabi ni Robin.

Ipinahayag din ng aktor na mas madali ang makatulong sa nangangailangan kung hindi siya pulitiko.

“Siyempre hindi ko isa-sakripisyo ang showbusiness. Mahal na mahal ko itong trabahong ito at nakakatulong naman ako ng direkta pa. Kasi nakita ko naman yan sa pulitika ang tagal ng red tape. Pag may humingi na tayo, dadalhin yung sulat sa ganito, bago makarating yung tao, namatay na, humihingi ng pang-ospital eh ang mangyayari babalik na lang pang-burol na lang ang kailnagn. Ganun kabagal ang bureacracy. Eh ang sitwasyon ko ngayon ang bilis eh. 'Pag may humingi ng tulong sa yo yun na kagad eh. Hindi ka naman humihingi ng pabalik. Yung pulitika sa tabi lang yan,” paliwanag niya.

Hindi rin daw siya natutuwa sa mga Senate hearings kapag pinapanood ito.

“Madaming nagsasabi mataas daw ako sa ratings, hindi pa ako nagdedeklara. Pag nagdeklara mas mataas pa. Ang tanong, anong gagawin ko dun? Upakan ko yung mga makukulit? Kasi yun lang naman ang alam ko sa buhay ko, mang-upak. Eh minsan lang ako manunuod ng hearing dun sumasakit ang ulo ko. Isang word lang pagtatalunan ng limang oras. Pambihira. Hindi ako para dun,” inamin ni Robin.

Sa nakaraang report ng KAMI, binatikos ni Robin ang mga pahayag ni Senator Franklin Drilon ukol sa DAP at sa BBL.

Agosto 10, 2010 nang ikasal siya kay mariel Rodriguez sa Taj Mahal sa India. Nagkakilala sila nang minsang naging guest host si Roben sa Wowowee kung saan regular na co-host naman si Mariel ni Willie Revillame.

Mayroon na silang isang anak, si Isabella, na ipinanganak noong Nobyembre 14, 2016.

POPULAR: Read more news about Robin Padilla!

Do children know the basic safety rules or can a stranger easily take them out of a playground? Our team hopes that this video would raise awareness among parents. Filipino Kidnapping Social Experiment: Are Your Children Safe? – on KAMI HumanMeter Youtube channel!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Daniel Joseph Navalta avatar

Daniel Joseph Navalta