OFW na dinala ng amo sa airport na wala ni isang gamit, tinulungan ng kapwa Pinay
- Tinulungan ng kapwa niya Pinay ang OFW na si Retchel Granada na pinauwi ng amo niya na wala ni isang dala
- Kapansin-pansing mukha talagang namomroblema itong si Retchel kaya naman nilapitan ito ng kapwa Pinay at doon nalaman niya ang kwento nito
- Di nagdalawang isip na humingi ng tulong ang Pinay sa mga pasahero at sa mismong Kuwait Airlines para sa OFW
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Sino nga ba ang magtutulungan lalo na kung tayo ay nasa ibang bansa kundi tayong kapwa Pinoy.
Lalo na kung bakas sa mukha nito na talagang namomroblema ang ating kapwa na malamang dama natin kaya naman di tayo mag-aatubiling magtanong at alamin kung ano ang nangyayari.
Gaya na lamang ng ginawa ng isang Pinay sa OFW na si Retchel Granada. Nalaman ng KAMI na pansin niyang hirap at problemado ito kahit na nasa airport pa ito. Gaya na lang ng kwentong unang naibahagi ng KAMI, nakaranas din si Retchel ng hirap sa kamay ng kanyang amo.
Narito ang kabuuan ng salasay ng Pinay kung paano niya natulungan ang OFW para makauwi naman ito ng maayos pabalik sa ating bansa.
"SIYA PO SI RETCHEL GRANADA 32YRS OLD FROM GENSAN. HABANG NASA AIRPORT AKO NG KWAIT AT NAKASAKAY SA SHUTTLE BUS PAPUNTA SA PLANE AGAW PANSIN SIYA SA AKIN DHIK NAKITA KONG UMIIYAK AT NAPANSIN KUDIN NA NAKA TSENELAS LANG SIYA AT NAKA UNIFORM.. SI ATE RETCHEL AY ISANG OFW DH NG KWAIT NA MAY DALAWANG ANAK.. NAGLAKAS LUOB AKONG TANUNGIN SIYA KONG BAKIT AT ANU ANG NANGYARI NAGKWENTU SIYA SA AKIN NA HINATID DAW SIYA NG AMO NIA SA AIRPORT NG WALANG KAALAM ALAM AT NI ISA SA GMIT WALA SILANG IBINIGAY... ISANG TAUN AT WALONG BUWAN NA SIYANG NANINILBIHAN SA BOSS NIANG KWAITI BILANG KASAMBAHAY SOBRANG NAAWA AKO SA KNYA DAHIK ALAM KO ANG PAKIRAMDAM NG WALANG WALANG PERA LALO NA SA KALAGAYAN NIA NA KAHIT PISO WALA SIYANG DALA O ANUMANG GAMIT KAYA KINAUSAP KO SIYA NG MAYUS NA MAG RELAX SIYA AT HIHINGI KAMI NG TULONG..
KINAUSAP KO ANG MGA CREW NG KWAIT AIRLINES NA KUNG PWEDE SIYANG HINGIAN NG TULONG AT SA AWA NG DIOS PUMAYAG NAMN SILA INUMPISAHAN KONG ISAIASHIN ANG MGA PASSENGER NA KASAMA KO KHIT MEJO NAHIHIYA AKO PERU PARA KAY ATE GINAWA KUYUN PARA KHIT SA GNUNG BAGAY MAKATULONG MANLANG AKO.. NAKALIKUM KMI NG MAHIGIT SAMPONG LIBO MULA SA CREW AT MGA PASSENGER AT NAGBGAY DIN ANG KWAIT AIRLINES NG BAG AT PAGKAIN PARA KAY ATE RETCHEL....
ANG MGA GAMIT NIA DI BINIGAY NG AMO AT HINDI IBINIGAY ANG SAHUD NIYA SANA MABIGYAN HUSTISYA ANG NANGYARI SA KNYA SA WALANG HIYANG KWAITI NA GUMAWA SA KANYA NI HINDI MANLANG SIYA PINAG PALIT MANLANG NG DMIT AT IBINIGAY NALANG SANA ANG MGA GMIT NIA AT GMIT PARA SA MGA ANAK NIA...AT NAGKATAUN NA MAGKA AGEN DIN PALA KMI SAME AGENCY *JVR AGENCY* SANA MATULUNGAN SI ATE NA MAIBALIK ANG PARA SA KANYA AT MAPAUWI SIYA NG MAAYUS SA TAHANAN AT MAKASAMA NA NIA ANG PAMILYA NIA SA NGAYUN SI ATE INIWAN KO SA OWWA DAHIK YUN ANG ALAM KONG TANGING MAKAKATULONG SA KANYA...ATE GODBLESS U AT SANA MAKAUWI KANA NG SAFE SA PAMILYA MO MARAMING SALAMAT PO SA MGA TAUNG TAUS PUSONG TUMULONG KAY ATE RETCHEL GRANADA.."
This awkward phone call leaves a bunch of strangers from the Philippines shocked and surprised. Are you interested to find out what the phone call is about? Awkward Phone Call Public Prank: The Funniest Reactions Ever | HumanMeter on KAMI Youtube channel.
Source: KAMI.com.gh