Dura-nakaw gang?! Netizen inilahad ang bagong modus ng mga kawatan ngayon

Dura-nakaw gang?! Netizen inilahad ang bagong modus ng mga kawatan ngayon

- Isang nakakasuka, nakakadiri, at nakakagigil na bagong modus ng mga magnanakaw ngayon ang isiniwalat ng isang muntik na ma biktima

- Nagtrending ang post ng isang netizen na may pangalang David Soterio San Jose kamakailan lamang

- Binahagi niya ang first-hand experience sa pinakabagong modus ng mga kawatan ngayon

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ang netizen na si David Soterio San Jose ay binahagi ang kanyang nakakatakot at nakakadismaya na karanasan sa kanyang Facebook account na naispatan ng KAMI dahil nagviral na nga ito.

Sa kaniyang salaysay ay sinabi nito na noong July 18, 2018, Miyerkules, ay isang araw na hinding hindi niya makakalimutan dahil sa nakakanerbyos at nakakatrauma na karanasan.

Sumakay daw siya ng bus pauwi papuntang Mall of Asia (MOA) at sasabay sa kaniyang kuya para bisitahin ang burol ng pinsan.

Galing Kamuning daw to MOA ang kaniyang sinakyan at nakaupo siya sa 2nd row, sa kanang bahagi ng bus, malapit sa entrance.

Habang nagbabasa daw siya ng card at huminto ang bus malapit sa Kabayan Hotel dahil nagbaba at nagpapasakay ng pasahero ang driver.

Bago pa man makasakay ang sasakay, nagsabi na daw ang driver sa isang ate sa unahan niya na:

"Itabi mo na yung cellphone mo."

Isang grupo ng limang lalaki na ayon sa kanya ay "medium-built guys" ang sumakay sa bus at ang isan ay tumabi sa kanya at madaling pinosisyon ang sarili at sumigaw umano na:

"sh*t ano 'to?"

Tumingin daw siya sa kanang braso ng lalaki para makita kung ano ito, at ang isang lalaki naman ay tinuro ang kanyang kaliwang balikat.

Doon niya nakita na may laway na sa balikat niya, at doon na nga napawari siya na "na-modus" siya.

Kahit kinakabahan ay nanatiling kalmado siya at tiningnan sila sa mga mata, at ang bag niya ay nasa kandungan niya at niyakap ito ng mahigpit.

Nasa bag na din yung cellphone niya.

Ang limang lalaki daw ay sinasabihan na siya na pansinin ang laway o dura sa kanyang balikat.

Pero ang iniisip daw niya noong oras na iyon ay ito iyong paraan nila para magambala ka nila at ma take advantage ang sitwasyon.

Kaya hindi niya pinansin ang mga ito.

Hanggang sa lumipat na ang lima sa likod, at doon na sila nakapang biktima ng pasahero.

Tinangay ng tatlong lalaki ang cellphone ng pasahero habang ang dalawa naman ay kalmado lang na bumaba sa bus.

Matatandaan na binalita din namin dito ang dalawang pang klaseng modus ng mga kawatan ang "Ipit Gang," at ang "Nadulas Ako Gang."

Kaya doble inga mga kaKAMI!

Huwag pansinin ang klarong-klarong pang-aagaw ng pansin dahil nakakalungkot man isipin pero talamak na ngayon ang mga halang ang kaluluwa.

Here’s some brain exercise for you. Have you ever been in a situation when you can see two or more things in one image? Here’s a fun way of exercising your brain and sense of sight with our “What do you see?” social experiment. So, what do you see?

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Jy Lin avatar

Jy Lin