Ibinasura! Ang mga kasong sinampa ni Deniece Cornejo laban kay Vhong Navarro

Ibinasura! Ang mga kasong sinampa ni Deniece Cornejo laban kay Vhong Navarro

- Tuluyan na ngang ibinasura ng Department of Justice (DOJ) ang mga kasong sinampa ni Deniece Cornejo laban sa 'It's Showtime' host

- Naging maingay ang isyu na ito na sumabog ng malaki na lahat ng tao sa bansa ay tila naging involved na

- Sa nasabing isyu ay nagsampa pala ng mga kasong panggagahasa ang modelo na si Deniece Cornejo laban kay Vhong Navarro pero ngayon ay lumabas na ang desisyon ng DOJ ukol dito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ang balitang ito ay una naming naispatan sa PEP na nakuha naman nila una sa ABS-CBN News.

Ito nga ay isang masayang balita para sa TV aktor at host na si Vhong Navarro dahil sa tagal-tagal na ng panahon ay lumabas na sa wakas ang final decision ng Department of Justice o DOJ tungkol sa mga kasong panggahasa na sinampa ng modelo na si Deniece Cornejo.

Nakuha ng KAMI ang ulat na base daw sa desisyon ng DOJ, hindi umano nila pinayagan ang apela ng modelo na baligtarin ang naging "review resolution" ng Prosecutor's General ng nasabing pamunuan noong Setyembre 6, 2017.

Dagdag pa sa balita na binagligtad umano ng DOJ prosecutors ang naunang rekomendasyon ng korte na kasuhan daw ng panggagahasa si Vhong Navarro.

Ang desisyon tungkol sa naturang kaso ay noon pa daw sa ikatatlumpu ng Abril sa taong ito, April 30, 2018, subalit nitong Huwebes lamang, July 12, 2012, nakakuha umano ng kopya ang ABS-CBN News.

Base daw sa 20 pages na desisyon ng Department of Justice, wala daw matibay na ebidensiya ang kampo ng modelo na si Deniece Cornejo upang sampahan ng kasong panggagahasa ang 'It's Showtime' host.

Nakasaad umano sa desisyon, and we quote:

“[There is] no sufficient evidence to warrant indictment for [panggagahas] and attempted [panggagahasa], there is no compulsion to indict him accordingly.”

Saad din ng resolution ng DOJ:

“[Cornejo] suffers from a very serious credibility issue [due to] major inconsistencies” sa kanyang tatlong pahinang complaint affidavits."

Ang nasabing kaso ng panggagahasa na sinampa ni Deniece Cornejo kay Vhong Navarro ay noong January 2014.

At sa ibang bagay naman tayo, sa aming maraming kababaihan readers, narito ang isang "Pak na Pak! na Kilay for life life," panoorin ang tutorial sa baba para magkaroon ka ng "mala-Instagram na kilay."

Watch more makeup tutorials and fitness routine videos on BeKami YouTube channel here

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Jy Lin avatar

Jy Lin