Sikat na singer noong '80s-'90s, nagbigay ng bonggang regalo kay Nate Alcasid

Sikat na singer noong '80s-'90s, nagbigay ng bonggang regalo kay Nate Alcasid

- Ang unico hijo nina Ogie Alcasid at Regine Velasquez ay kamakailang lang ay nakatanggap ng isang natatangi ngunit kapaki-pakinabang

- Ito ay isang "vintage airline seats" na bigay naman ng kasabayan ng kanyang sikat na mommy at daddy na si Louie Heredia

- Ang nasabing regalo ay isang set ng 'PAL Boeing-747 Class' seats na bigay ng huli, ayon pa sa report ng PEP, ay ang singer ay nahihilig mga eroplano at lahat ng tungkol dito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa isang eksklusibong panayam ng nasabing media outlet sa balladeer na sumikat ng husto sa '80s-'90s na si Louie Heredia ay sinabi niya na gaya ng anak nina Regine Velasquez at Ogie Alcasid na si Nate Alcasid ay mahilig sa eroplano.

Napag-alaman ng KAMI na ang nasabing interview ay nangyari noong July 8, 2018, sa Suvarnabhumi International Airport sa Bangkok, Thailand.

Ayon pa daw sa balladeer:

"Ah, Nate, Nate, Nate! Okay, because like Nate, I love airplanes."

Dagdag pa ni Louis Heredia:

"Everything about airplanes, inside the airplane, outside the airplane, there’s something about airplanes that fascinates me."

Sambit pa ng 80s-90s singer na nakakamangha daw ang naturang invention na kung saan nakakalipad at dinadala ka sa iba't-ibang mga lugar.

"Parang, what an invention, 'no? A plane that can fly and, you know, bring you from one destination to the other."

Pag-amin naman ni Louie na kahit sa amoy pa lang sa pagpasok sa eroplano o ang pagkain daw dito ay nawiwindang na siya.

"Actually, even just the smell when you enter a plane or the food drives me crazy, I dunno. I’ve always been fascinated by airplanes."

Binulgar din ni Louie Heredia kung paano daw niya nakuha ang mga upuan na ito sa nasabing eroplano ilang taon na ang nakalipas.

Saad niya:

"So there was a time when Philippine Airlines was selling their business class seats of the Boeing 747. The real seats, business class seats, and I went and bought a couple of seats for a good price!"

Pinaayos daw niya ang naturang upuan at pina-reupholstered at nakatago lang sa bahay niya.

Sa pagkagalak sa pagkwento pa ng singer:

"Kasi biro mo, it has a table, it can recline and then just by looking at it, wow! It’s so fascinating!"

Dalawang dekada o 20 years daw niya ito inalagaan sa bahay niya hanggang nakapagdesisyon siya na ibigay kay Nate, ang anak nina Regine at Ogie.

Dugtong pa ng kwento ng balladeer:

"At nakabalot talaga iyan, ha? Kasi kung hindi nakabalot yun madudumihan, 'tapos yung mga pusa ko, i-scratch yun, gagawing scratching pad. So talagang nakabalot yun."

Tapos nakita daw niya ang Instagram pages ng mag-asawa na sina Regine Velasquez at Ogie Alcasid, at nakita niya din umano kung gaano kahilig ang bata sa eroplano.

Sa pagkakita niya para daw niyang naikompara ang sarili sa bata at nagbalik tanaw sa kanyang kabataan.

"Parang nakita ko na, ‘Wow, this is like Louie Heredia 40 years ago or 30 years ago. So I had a plan rin, but it was hard to let it go ha, to tell you the truth."

Pero pag-amin din ng singer na mahirap daw sa kanya na i-let go yung upuan at nagtanong sa sarili kung ibibigay ba daw niya kay Nate ang mga ito.

Pagpapaliwanag naman ni Louie kung bakit ganun ang naisip niya:

"Kasi parang it was hard to acquire those seats, e, and then letting them go after all these years. But I thought, ‘Maybe it’s time.'"

Nilinas daw ito personally ni Louie bago pa man ito ipadala kay Nate.

"Ako yung nag-vacuum, ako yung nag-Wipeout [a cleanser brand], para maalis lahat ng stains na meron. And when my cat saw the seats, naku gusto nang humiga! And I’m so happy kasi nung dineliver pala kay Nate, kakarating lang ni Regine from a Dubai show with GMA."

Sa pagpatuloy ng kwento niya:

"And then I think Ogie left that day, and Joy, my helper said may sakit daw si Nate nun.Pero inakyat sa kuwarto niya."

At nung nakita daw ni Nate, wala ng ibang sinabi ang bata kung hindi:

"‘Mama, mama!’"

Masayang masaya daw ang bata at napakathankful naman daw ni mommy Regine dito.

Sa katunayan ay pinost nga ito ng Asia's Songbird sa kanyang IG:

Pagtatapos pa ni Louie Heredia:

“I’m so happy that at the end of the day I made this little boy very happy, that makes me so happy.”

Si Louie Heredia ang sumikat ng husto sa '80s-'90s sa kanyang mga kantang kagaya ng "Can Find No Reason," "Una at Huling Mamahalin," at marami pang iba.

At sa ibang bagay naman tayo, sa aming maraming kababaihan readers, narito ang isang "Pak na Pak! na Kilay for life life," panoorin ang tutorial sa baba para magkaroon ka ng "mala-Instagram na kilay."

Watch more makeup tutorials and fitness routine videos on BeKami YouTube channel here

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Jy Lin avatar

Jy Lin