Babaeng ilang beses tinangkang magpakamatay dahil sa mga kapamilya, nakahanap ng taong tatanggap sa kanya

Babaeng ilang beses tinangkang magpakamatay dahil sa mga kapamilya, nakahanap ng taong tatanggap sa kanya

- Binahagi ng isang netizen na nagngangalang Kayle ang matinding pinagdaanan niya sa mismong mga kapamilya niya

- Pinaliwanag ni Kayle kung bakit tila lumaki siyang palaban sa buhay kahit pa ang totoo ay maka-ilang beses na niya itong nais sukuan

- Minalas man sa pagtrato ng mismong mga kapamilya niya, sinuwerte naman siya sa pag-ibig dahil doon niya naramdaman ang tunay na pagmamahal

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Minsan, di maiiwasan na tayo ay ma-'misinterpret' ika nga sa ating tunay na pagkatao.

Ang iba aakalain na masama ugali mo, palaban ka, palasagot, walang modo at kung ano ano gayong minsan gusto mo lang ipakita na matatag ka.

Gaya na lamang ng isang netizen na si Kayle na nakaramdam ng di patas na pagtingin mula mismo sa kanyang mga kapamilya.

Bata pa lamang siya ay tila palaban na ang tingin sa kanya ng kanyang mga kaanak. Lagi pa siyang naikukumpara sa mas nakatatandang kapatid niya na matalino gayung di rin naman daw nagpapabaya sa pag-aaral si Kayle.

Babaeng ilang beses tinangkang magpakamatay dahil sa mga kapamilya, nakahanap ng taong tatanggap sa kanya
source: supplied

Hanggang sa kinalakihan na niya ang ganitong pagtrato sa kanya ng kanyang kaanak. Dahil dito, inamin ni Kayle na makailang beses na niyang tinagkang kitilin ang sarili niyang buhay ngunit dahil alam niyang mali iyon, di niya ito natuluyang gawin.

Narito ang kabuuan ng kwento ni Kayle na binahagi niya sa KAMI para kapulutan natin ng aral.

Pls admin pakipublish to

Take time to read this :

Madaming nagtatanong kung bakit maldita ako ? Bakit ako mahilig sumagot ? Bakit parang ang sama ng ugali ko ? Bakit Hindi ako close sa pamilya? Bakit nag asawa ng maaga? The answer is here.

Growing up I can say na I was my Lolo's favorite. Laging kasama , bihirang mapagalitan and halos lahat nasusunod ( pero kung kaya Lang at tama) . Bata pa Lang ako na mahilig na talaga kong mangatwiran kapag alam kong tama naman ang pinaglalaban ko . I don't believe in that nonsense na kapag sumagot ka e Bastos at Mali ka na . Nangangatwiran po kami para naman malaman nyo kung bakit namin nagawa ang isang bagay .

Lumaki din ako na normal ang pag aaway ng parents ko on certain things. Typical story mahilig uminom si papa then si mama mahilig sa sugal noon . Kaya I usually stay with Tatay (Lolo). For an unknown reason Hindi talaga ko close sa mga tita ko and I don't know why . Kumbaga bata palang medyo outcast na .

High school days nauso na yung mga gala dito gala doon . Yes, gumagala ako pero I make sure na ok ang grades ko. Kaya Lang one thing I don't like about my family, kahit Sandamakmak na achievements Hindi enough laging kulang siguro kasi Matalino talaga yung nauna sakin ( tita ko na alaga ni Lola ) na lagi talaga naikukumpara. "ALL EYES ON ME IKA NGA" yung ang inaantay na Lang Ay ang pagkakamali mo and Hindi kung ano yung ginagawa mong tama.

3rd yr HS namatay ang Lolo ko . That's when all of the bad things started to happen . Lahat nalang biglang galit sakin . Ang hindi ko makakalimutan Ay ang pagsasabi sakin na "pano ba yan wala ka ng kakampi". Bakit? Wala naman akong ginagawa . I'm just being myself. Doon na nagsimula , mas gusto ko ng nasa labas kesa nasa bahay . Mas Ramdam ko na lalo na Hindi ako kabilang . Kamag anak ako pero yung tingin sakin katulong madalas . Lahat ng kelangan pinagtatrabahuhan . Humingi ka ng baon may magsasabi sayo na "PENSIONADA" .

One day I just woke up na narealize ko tama na . I started packing my things and umalis . Kung saan saan ako nagpunta hahaha. Nagtrabaho . Nakitira sa kaibigan . Walang naghanap, walang nangamusta. Until I met my husband . He gave me unconditional love . Yung love na Hindi ko naranasan sa mismong pamilya ko . He was the one who pushed me to reconcile with my family . Oo nagkakausap na kami but it's still the same para Pa rin akong outcast Ang pinag bago Lang mas malakas na ko ngayon. I learned to be independent .

Ngayon may sarili na kong negosyo and Hindi na nanghihingi sa kanila . Paminsan minsan Lang talaga nakakalungkot kapag naiisip ko and kapag magkakausap sila na nandun ako ramdam na ramdam mo yung inequality , na parang Hindi ka nila kasama .

Kaya para sa lahat ng nagtatanong , I learned the hard way guys . I learned to be stone hearted para din sa sarili ko kasi ilang beses kong naisip na magpakamatay nalang . Ilang beses kong naisip nuon na sana Ay mamatay nalang ako , pero hindi pala tama. May dadating at dadating pala talaga na tao , yung magpapaalala sayo na mahalaga ka .

To all of you who feel unlove , hintayin nyo Lang ibibigay ni lord yung love na mas better at mas masarap sayo . Doble doble sa Hindi mo natanggap noon . Nag uumapaw pa.

I just hope one day I can truly feel that I have what everyone calls a family . That I could believe in what they say "blood is thicker than water " because now I will never choose to be with my family . - kayle

Are you smarter than these people we’ve met in the streets of the Philippines? Filipinos Answer Really Tricky Questions: Who Painted The Mona Lisa? | HumanMeter on KAMI Youtube channel

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica