Naawa sa bata, nagalit sa guro? Liham ng bata sa guro, umani ng iba't-ibang reaksyon mula sa netizens

Naawa sa bata, nagalit sa guro? Liham ng bata sa guro, umani ng iba't-ibang reaksyon mula sa netizens

- Viral ngayon ang isang munting liham ng bata na humihingi ng pasensya sa kanyang guro dahil wala siyang baon

- Ang larawan ay binahagi ng isang netizen na kung saan di raw niya malaman ang magiging reaksyon sakaling siya ang makatanggap ng ganitong klaseng liham

- Bagaman at marami ang naawa sa bata dahil sa sitwasyon niya, maraming netizens din ang tila nagalit sa guro na marahil daw ay may pilit na pinabibili o pinababayaran sa bata

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Viral ngayon ang post ng netizen na si Al Jerome Blanco Orocio kung saan binahagi niya ang larawan ng isang liham ng bata sa isang guro.

Makikita sa sulat na humihingi ng paumanhin ang bata sa guro niya dahil wala raw siyang baon.

Nalaman ng KAMI na di man kay Al ang sulat pero binhagi niya na raw niya alam ang kanyang magiging reaksyon sakaling siya ang makatanggap ng liham.

Maraming netizens ang naawa sa bata. Marahil, gustong suto niya talagang pumasok palagian sa paaralan ngunit wala lamang siyang baon.

Ngunit, may ilang mga netizens din naman ang tila kinuwestiyon ang guro dahil baka rawa may pinabibili o binebenta ito sa bata kaya nagawag lumiham ng estudyante niya sa kanya.

Narito ang ilan sa mga iba't ibang reaksyon ng mga netizens:

"Naluha naman ako dito"

"Sana lang sa lht ng public school may free nutritious food na pra sa mga estudyante gaya sa ibang bansa pra pagaaral na lang iisipin nla. Sana magawan eto ng praan ng gobyerno"

"kaya nakakabadtrip yung mga batang binigay mo na lahat ng luho sa katawan, nagagawa pa ding magbulakbol."

"walang baon tapos kapag di nakabili sa food tray galing ng canteen, may bawas sa grade."

"Tapos yung ibang teacher sasabihin yung iba nga jan kahit walang baon pumapasok. Ang hirap kaya kapag walang baon nakakabobo hahahaha"

"Hirap kasi sa ibang teacher ng public, pabili ng ganito ganyan,"

"then some teachers would ask students to submit basahang bilog at floor wax para pirmahan ung clearance or ipapasulat ung laman nang libro sa notebook then ipapa pasa

"sayang ung pages na pwede pang I recycle at gamitin next year"

"Totoong may mga ganito sa public school

Mga batang gustong gustong pumasok pero walang pamasahe. Meron pa ung iba makapasok lang kahit wala ng pangrecess/lunch

"Ansakit sa puso bilang teacher"

Samantala, sa comment section ng post makikita na may nagtanong sa buong istorya ng bata kumbakit ito sumulat sa kanyang guro.

Ayon sa chat ng mismong guro kay Al, ilang beses na raw absent ang bata sa klase kaya naman umaasa ang guro na 'excuse letter' manlang ang bubungad sa kanya.

At dahil wala siyang excuse letter, minabuti niyang mag-abot ng sulat niya mismo sa kanyang gusro kung bakit panay ang liban niya sa klase at ito nga ay dahil sa wala siyang baon kung saan kumukuha na rin siya doon ng kanyang pamasahe.

Are you smarter than these people we’ve met in the streets of the Philippines? Filipinos Answer Really Tricky Questions: Who Painted The Mona Lisa? | HumanMeter on KAMI Youtube channel

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica