Success story talaga! Dating carwash boy na kumikita lang ng ₱100, ngayon milyonaryo na

Success story talaga! Dating carwash boy na kumikita lang ng ₱100, ngayon milyonaryo na

- Pinanganak siya ng mahirap at hiwalay pa ang kanyang mga magulang, ngunit di sinukuan ni Edmar Batac

- Sa kagustuhang matustusan ang pag-aaral, kung ano anong raket ang pinasok ni Edmar para lamang kumita dahil ultimong kapamilya niya ay pinagdadamutan siya o pinagdadamutan

- Dala ng kanyang sipag at tiyaga sa pinasok na negosyo, di inaasahan ni Edmar na magigi siyang milyonaryo

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Produkto ng mahirap at magulong pamilya si Edmar Batac. Masasabing di naging madali ang buhay para sa kanya lalo na nung kanyang kabataan.

Nalaman ng KAMI na mismong kapamilya niya ay nakuha siyang maliitin o ma-bully at maging ang sariling ina at nakuha siya noong tipirin at sumbatan lalo na pagdating sa pagpapa-aral sa kanya.

Ultimo panonood ng TV, pagbukas ng electric fan, baka malakas daw sa kuryente. Minsan pagkain, ‘oh kumain ka na. Tirhan mo yung kapatid mo. Tirhan mo yung stepfather mo. Yung pinambabaon mo, sa halip na napupunta sa kapatid mo, sa’yo napupunta!’" kwento pa ni Edmar sa panayam sa kanya ng Kapuso mo Jessica Soho.

Para lamang makatapos siya ng pag-aaral, iba't ibang trabaho ang kanyang pinasok. Nagbenta siya ng mga gulay sa palengke, naging parking boy siya hanggang naging carwash boy siya kung saan, kumita siya ng ₱100 isang araw.

Sinubukan din ni Edmar ang pagiging isang OFW ngunit di siya pinalad.

Sa kanyang pagbalik sa bansa, nag-enroll si Edmar sa Tesda. Dito mayroon siyang ₱8,000 sa pag-aaral bilang isang barista.

Dahil sa naipon niya mula sa allowance sa TESDA, nakapagpagawa siya ng food coffee cart. “Sabi ko, ‘Lord, makadalawang libo lang ako, okay na sa ‘kin.’ Pero alam mo, nung first day ko, kumita ako ng P12,000,”pagbabalik tanaw ni Edmar.

Tila isang malaking swete ang kanyang coffee cart business na siyang naging dahilan para makabili siya ng kotse, condominium at pakasalan ang babaeng tinuring niyang swerte sa kanyang buhay.

Di siya makapaniwala na ang dating kinikita niya sa pagca-carwash na 100 isang araw, magiging 1 milyon dahil sa 250 branches ng kanyang negosyo at 20 food carts.

“Daig ng madiskarte ang matalino, Diskarte ang ginawa ko kung bakit napalago ko yung negosyo ko, kahit hindi ako grumaduate ng isang bachelor’s course,” katwiran ni Edmar.

Hindi raw sa sinasabi niya na di importante ang edukasyon, sa katunayan pinagpapatuloy niya ngayon ang kanyang pag-aaral.

Are you smarter than these people we’ve met in the streets of the Philippines? Filipinos Answer Really Tricky Questions: Who Painted The Mona Lisa? | HumanMeter on KAMI Youtube channel.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica