Batang lansangan, matiyagang nag-aaral sa ulanan dahil wala silang tahanan

Batang lansangan, matiyagang nag-aaral sa ulanan dahil wala silang tahanan

- Viral ngayon ang video ng isang batang babaeng gumagawa ng kanyang takdang aralin sa gilid lamang ng isang parking area

- Habang natutulog ang ina, sa kasagsagan ng ulan, matiyagang nagtalukbong na lamang ng jacket ang bata para lamang masagutan ang kanyang takdang aralin

- Umabot na sa mahigit 1 milyon na views ang video at walang ibang hangad ang mga netizens kundi maabutan ng tulong ang bata

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nakakadurog talaga ng puso ang kalagayan ng isang batang babae na matiyagang gumagawa ng takdang aralin niya sa gilid ng isang parking area.

Nalaman ng KAMI na isang netizen na may facebook name na Rolando Baltazar ang nagbahagi ng video ng batang gumagawa ng kanyang takdang aralin sa kasagsagan ng ulan.

Makikita rin sa video ang ina na mahimbing na natutulog sa tabi ng bata at isa pang mas maliit na bata na malamang ay kapatid ng mag-aaral.

Pinagtabi-tabing karton lamang ang sapin ng mag-iina, habang matiyagang nag-aaral pa rin ang bata kahit nababasa na ng ulan.

Sinubukang magtabing ng jaket ang bata upang maipagpatuloy ang sinasagutan sa kanyang tila isang 'workbook' ngunit dala ng paglakas ng buhos ng ulan, napilitan silang lumikas at maging ang ina na natutulog ay bumangon na.

Labis na naantig ang mga netizen na nakapanood ng video dahil kinakitaan ito ng pagiging masigasig at kasipagan sa pag-aaral.

Sana raw ay maabutan ng tulong ang bata dahil sa pinakita nitong ugali sa pag-aaral, tiyak na malayo ang mararating nito.

Narito ang iba pang komento ng mga netizen na walang ibang hangad kundi mapabuti ang lagay ng bata.

"Dapat hanapin ng batang yn my mararating at bigyan ng tulong"

"makatulong tayo at makapagbigay kung meron tayo wag lang tayo maging maramot sa lumalapit at nangangailangan at maging masinop din tayo para hindi maging sayang ang lahat..."

"nakakatuwa na nakakalungkot... bakakatuwa dahil sa kabila ng sitwasyon nila pursigidong matuto yung bata... nakakalungkot dahil kapos sila sa buhay..."

"help them get a shelter please"

"Kawawa nman ang mga bata. Akala nila sa mura nilang isipan eh normal lang ang lahat ng nangyayari sa knila. Natutuhan na nilang tanggapin. Ni hindi nila nakuhang istorbohin ung nanay para palipatin ng pagkakatulog. Habang silang magkapatid eh nanginginig sa ginaw."

Umabot na sa mahigit na 1 milyong views at halos 20,000 na share na ang video.

Are you smarter than these people we’ve met in the streets of the Philippines? Filipinos Answer Really Tricky Questions: Who Painted The Mona Lisa? | HumanMeter on KAMI Youtube channel.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica